Angel Locsin, pinasalamatan sa pagbabahagi ng airconditioned tents

Imahe mula sa Instagram | Angel Locsin at Twitter | PCG
  • Inulan ng pasasalamat ang aktres na si Angel Locsin dahil sa pangunguna sa pagbuo ng airconditioned sleeping tents para sa mga frontliner sa Taguig
  • Una na siyang umapela sa mga kasamahan sa industriya na ibahagi ang kanilang taping bed para sa mga makabagong bayani
  • Ani Angel, kakayanin ng mga Pilipino na matalo ang pandemic na ito sa pamamagitan ng pagtutulungan

Pinangunahan ng aktres na si Angel Locsin ang pagtatayo ng airconditioned sleeping tents malapit sa mga 0spital upang pansamantalang maging tulugan ng mga frontliners sa Taguig.

Imahe mula sa Twitter | Philippine Coast Guard

Matatandaang sa pamamagitan ng isang Instagram post ay nanghingi siya ng tulong sa mga kasamahan sa industriya upang mapunan ang pangangailangan para sa bubuuing sleeping tents.

“[We] understand that life is hard right now, so we’ll refrain from asking you for financial donations. Instead, we would like to ask you for stuff that you already have,” aniya sa isang post.

“To my friends in the industry, maybe you can spare your taping beds for our health workers? Also to everyone reading this, if you have available folding beds that we could borrow, we would greatly appreciate it.”

Ilan sa mga artistang pinasalamatan ni Angel dahil sa hindi pagdadalawang isip na i-donate ang kanilang taping bed ay ang Kapamilya actresses na sina Angelica Panganiban, Anne Curtis, at Bea Alonzo.

Imahe mula sa Instagram | Angel Locsin

Samantala, nagpasalamat naman ang Philippine Coast Guard kay Angel para sa ibinahagi nitong pagkain sa Task Force Laban COVID-19.

“We acknowledge that this is a challenging time for everyone, but we also know that we, Filipinos, are strong & resilient, especially when united,” ani Angel sa kaniyang post. “We made it through Ondoy, Yolanda, Mt. Pinatubo and Taal eruption, and we will surely overcome this as a nation.”

Isinailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kas0 ng COVID-19 sa bansa. Habang isinusulat ito ay may mahigit 500 nang kumpirmadong kas0 ayon sa Department of Health.

Loading…