Anti-hoarding and Anti-panic buying ordinance ipinatupad sa Valenzuela

  • Nagpatupad ng anti-hoarding and anti-panic buying ordinance ang Valenzuela City
  • May limitasyon na sa dami ng pangunahing pangangailangan ang maaaring bilhin ng mga mamimili
  • Iba ang restriksyon para sa mga indibidwal na mamimili at sa mga mamimili na may-ari ng rehistradong retail business

Pasado na sa Valenzuela City council at ipatutupad na ang Ordinance Number 669 o ang Anti-Hoarding and Anti-Panic Buying Ordinance sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19.

Imahe mula sa Valenzuela City Government

Sa ilalim ng ordinansa ay lilimitahan ang bilang ng mga pangunahing pangangailangan na maaaring bilhin ng konsyumer o mamimili sa mga pamilihan sa Lungsod ng Valenzuela.

Layunin nito na maiwasan ang hoarding at panic buying nang sa gayon, ang lahat ay magkaroon ng pagkakataon na makabili ng kanilang mga pangangailangan.

Iba ang restriksyon para sa mga indibidwal na mamimili at sa mga mamimili na may-ari ng rehistradong retail business.

Kailangang magpakita ng orihinal na kopya ng business permit o mayor’s permit sa tuwing bibili ang mga mamimiling mayroong tindahan upang payagan silang makabili ng mas marami kaysa sa mga individual buyers.

Kapag nilabag nga mga ito ang ordinansa ay kakanselahin ng city government ang kanilang business permit at maaaring isara ang kanilang mga negosyo. Kabilang sa mga registered retailers ang mga sari-sari stores, hotels, restaurants at iba pang katulad na negosyo.

Naglabas ang lungsod ng listahan ng mga pangunahing pangangailangan na nilagyan ng limitasyon.

Imahe mula sa Valenzuela City Government

Ipinaliwanag ng alkalde ng lungsod ang layunin ng ordinansa.

“The ordinance will protect the Valenzuelanos from possible abusive behavior of individuals and business establishments that unreasonably hoard basic and prime commodities amidst the onset of the pandemic [of the] COVIC-19 virus,” sabi ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Isang task force ang itatatag ng Valenzuela City upang matiyak na susundin ng lahat ang ordinansa.

Imahe mula sa Valenzuela City Government

Loading…