Bagong ‘Darna’ na si Jane De Leon, tinulungan ang mga senior citizen sa Rizal

Imahe mula sa Instagram | Jane De Leon
  • Hinandugan ng bagong Darna na si Jane De Leon ng relief goods ang mga senior citizen sa isang barangay sa Rizal
  • Hiling niya na sana ay bigyan pa siya ng lakas upang mas marami pa siyang mabigyan ng tulong
  • Maraming mga manggagawa ang naapektuhan ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon

Nagpaabot ng tulong ang bagong “Darna” at Kapamilya actress na si Jane De Leon sa mga senior citizen sa Rizal.

Imahe mula sa Instagram | Jane De Leon

Ayon sa ulat ng ABS-CBN ay nakikipag-ugnayan si Jane sa mga opisyal mula sa isang barangay sa Cainta, Rizal upang mabigyan ng tulong ang mga nangangailangan. Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi niya ang kagalakan nang makita niya ang ngiti ng mga nahandugan na nila ng relief goods.

“Nagpaabot po kami ng aming tulong sa isang barangay that needed help. Nakakataba po ng pus0 na makita silang masaya. I keep on praying na bigyan pa ako ng Panginoon ng sapat na lakas para patuloy na makatulong pa sa mas nakakarami. Maraming salamat po. God bless, mga Kapamilya,” sabi ni Jane.

Sa hiwalay na post naman ay nagbahagi siya ng larawan niya habang nagre-repack ng relief goods.

Imahe mula sa Instagram | Jane De Leon

“Every day is a new day. Every day is a new chance para makatulong. And every day is a new opportunity para makapagdulot ng ngiti sa pus0,” aniya.

Isa lamang si Jane sa marami nang mga artista na nag-abot ng tulong para sa mga pinaka nangangailangan sa gitna ng kinahaharap na pandemic ng bansa.

Marami ang umaasa ngayon sa tulong dahil naapektuhan ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon ang kanilang hanapbuhay. Hakbang ito ng gobyerno upang hindi na tumaas pa ang bilang ng kas0 ng COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health ay umabot na sa 800 ang kumpirmadong kas0 ng COVID-19 sa bansa.

Loading…