Bagong silang na sanggol pinakabatang nagpositibo sa COVID-19

  • Isang bagong silang na sanggol sa UK ang pinakabata sa buong mundo na tinamaan ng COVID-19
  • Inaalam ng mga doktor kung nahawa ito pagkasilang o habang nasa sinapupunan pa
  • Ligtas at mabuti na ang kalagayan ang sanggol

Isang bagong silang na sanggol sa United Kingdom ang nagpositibo sa COVID-19. Siya ang pinakabata sa buong mundo na kinapitan ng coronavirus.

Imahe mula sa Pixabay

Isinilang ang sanggol sa England at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan sa London.

Ayon sa ilang ulat, ilang araw bago magsilang ay isinugod ang ina ng bata sa isang ospital sa London dahil sa pinaghihinalaan na mayroon itong pulmonya. Sinuri siya kung may COVID-19 sa North Middlesex Hospital, subalit lumabas lang ang positibong resulta matapos niyang makapagsilang.

Ilang minuto matapos isilang ay agad na sinuri ang sanggol. Sa kasalukuyan ay ginagamot sila sa magkahiwalay na ospital. Pinag-iisipan ng mga doktor kung paano nahawa ang sanggol. Nahawa ba ito pagkatapos lumabas o posibleng nahawahan habang nasa sinapupunan pa ng ina?

“Staff in contact with both patients have been advised to self-isolate. Health officials are urgently trying to find out the circumstances behind their infections,” ayon sa isang report.

Bumubuti na ang kalagayan at ligtas na sa panganib ang sanggol.

Imahe mula sa Pixabay

Samantala, ipinayo ng Royal College of Obstetricians and Gynaecologists na ang mga healthy babies ay hindi kailangang ihiwalay sa infected mother at pwedeng i-breastfeed.

Iginiit ng mga health officials na mababa ang panganib na magkaroon ng kumplikasyon mula sa coronavirus ang mga buntis at sanggol. Maaari silang magkaroon ng mild symptoms.

Samantala, sa susunod na linggo pa planong ipagbawal ng UK government ang mass gatherings sa mga pampublikong lugar kaya napupulaan si Prime Minister Boris Johnson dahil ‘di agad niya iyon ipinatupad nang mas maaga.

Source :

MSN, The Sun

Loading…