Barangay captain huli sa pagbebenta ng home quarantine pass

  • Barangay captain na naniningil para sa home quarantine pass, nahuli
  • Kinilala ang suspek na si Chairman Cassar Abinal ng Barangay Mantapoli sa Lanao Del Sur
  • Naniningil ng P20 si Abinal sa bawat home quarantine pass

Nauna nang nagbigay ng babala ang Department of Interior and Local Government na huhulihin at kakasuhan ang mga barangay officials na mangongolekta ng bayad sa pag-iisyu ng home quarantine pass sa mga residente, ngunit mayroon pa ring pasaway na gumawa ng ganito.

Imahe mula sa Abante Tonite

Isang barangay captain sa Lanao Del Sur ang nahuli sa aktong naniningil para sa home quarantine pass. Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang ang kapitan ng Barangay Mantapoli na si Cassar Abinal.

Ayon kay Brig. Gen. Manuel Abu, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao police director, matapos makatanggap ng report tungkol sa ilegal na aktibidad ng barangay captain ay nagtungo ang ilang pulis sa barangay hall at nahuli si Abinal sa aktong naniningil ng P20 sa mga residente para sa home quarantine pass.

“It’s a clear violation of the directives for non-payment of barangay passes,” sabi ni Brig. Gen, Abu.

Ayon naman kay Col. Madzgani Mukaram, ang police director of Lanao del Sur, may nakapaskil pa sa pader ng barangay hall na nagsasabing P20 ang presyo ng home quarantine pass.

Muli, si Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang spokesman ng Inter-agency task force ay nagbigay ng babala laban sa mga abusadong opisyal ng local government units.

Imahe mula sa PNP

“Do not give passes for a fee, or for any payment whatsoever in any form or kind whatsoever. It is very important. Let us not abuse that. Let us not take advantage of this calamity. Just a reminder: in a state of calamity, anyone who commits any form of abuse may be punished with maximum penalty,” aniya.

Ang home quarantine pass ay iniisyu sa bawat pamilya upang ang isa sa miyembro nito ay maaaring lumabas ng bahay para makabili ng kanilang mga pangangailangan habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine.

Layunin ng home quarantine pass na limitahan ang mga taong lumalabas upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng salot na virus sa mga komunidad.

Imahe mula sa PRO-BARMM
Source :

Philstar, DWIZ

Loading…