Batang kumakain ng kanin pero walang ulam habang nasa eskwela, umantig sa mga netizens

  • Trending sa social media ang larawan ng isang batang kanin lang ang baon sa eskwela
  • Ngunit kahit wala raw ulam ang bata madalas, hindi naman daw ito lumiliban sa klase
  • Marami naman ang naantig sa kuwento nito at sinabing sana raw ay may tumulong sa masigasig na bata

Kamakailan ay napabalita ang isang batang mayroong simpleng baon sa eskwela. Kinakain niya ang laman ng kanyang buanan na nilagang kamote at isda. Marami ang sumaludo sa bata dahil sa kanyang masustansya at simpleng pagkain. Bagaman larawan ito ng kakapusan sa salapi, ipinakikita naman daw ng bata na maraming ibang abot-kayang alternatibo.

Pero ngayon, viral sa social media ang larawan ng isang batang babae na hindi man kamote ang panlaman tiyan kung hindi kanin, ngunit wala naman itong kasamang ulam. Makikita sa post ng Facebook page na D30 Viral Video and News ang pinagdaraanan ng bata.

Larawan mula sa Facebook page na D30 Viral Video and News

Puno ng kanin ang baunan ng bata. Ngunit tanging kanin lamang ang laman nito na matiyaga naman niyang pinagdadamutan. Ngunit kahit walang ulam, hinangaan ang bata dahil matiyaga pa rin daw itong pumapasok sa eskwela kahit walang maayos na baon.

Sabi ng caption ng post ng Facebook page, sana raw ay magsilbing aral sa mga kabataan ngayon ang bata sa larawan na kahit kapos sa salapi ay nagagawa pa ring pumasok sa eskwela para lamang matuto. Isa raw itong patunay na walang anumang hadlang sa isang taong mayroong pangarap.

“Nakaaantig ng pus0 ang batang ito. Kumakain kahit walang ulam. Nagre-recess nang walang pera. Pero mas nakabibilib, wala siyang absent sa kanyang pagpasok sa school. Kaya sa mga kabataan diyan, sana’y magbigay-aral sa inyo ang larawang ito,” ayon sa Facebook page.

Dahil sa nakaaantig na kuwento at kalagayan ng bata, agad na nag-viral sa social media ang larawan. Habang isinusulat ang kuwentong ito, mayroon nang higit 11,000 reactions, 1,700 comments, at 15,000 shares ang post.

Larawan mula sa Freepik

Marami ang nagpaabot ng mensahe ng paghanga para sa bata. Ayon sa kanila, dapat daw ay makarating sa mga kinauukulan ang istorya niya at kanyang kalagayan para naman mabigyan ng sapat na tulong. Karapat-dapat daw itong tulungan dahil kita sa kasipagan at pagpupursigi ng bata na nais niyang makaahon sa kahirapan.

May ilan din na umaasang hindi mapanghihinaan ng loob ang bata sa mga darating pang pagsub0k. Dasal nila, sana raw ay makamit nito ang kanyang mga pangarap at mabago nito ang takbo ng kanyang kapalaran kasama ang kanyang pamilya.

Source :

Facebook, DF News

Loading…