Batang may matinding pananalig sa gitna ng COVID-19, naghatid inspirasyon online

Imahe mula sa Facebook | Michelle Dalida-Calayag
  • Ibinahagi ng isang ina ang natutunan niya sa kaniyang anak na nananatiling kalmado sa gitna ng pagtaas ng kas0 ng coronavirus disease sa Pilipinas
  • Ayon sa bata, hindi siya natatakot dahil alam niyang kasama niya ang Panginoon at ang Holy Spirit
  • Ikinatuwa ng ina na kahit pa nagkalat na ang balita tungkol sa COVID-19 ay sa pananampalataya pa rin nakatuon ang atensyon ng anak

Habang marami ang nangangamba sa pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kas0 ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, ibinahagi ng isang ina ang aral na natutunan niya sa kaniyang anak na nananatiling kalmado sa gitna ng mga ito.

Imahe mula sa Facebook | Michelle Dalida-Calayag

Kuwento ng inang si Michelle Dalida-Calayag sa kaniyang Facebook post, nanonood sila ng balita tungkol sa COVID-19 nang may biglang sabihin ang anak na kaniyang ikinagulat.

“Mommy, you know what? God told me something. I was sleeping last night and in my dream, I heard God. He told me, ‘Jahzy, do not be scared, the virus will be gone in April,” kuwento raw ng bata sa kaniyang ina.

Tinanong daw ni Calayag ang anak kung natakot siya noon. Inamin ng bata na noon ay nangangamba siya ngunit ngayon ay hindi na. “Because God is with me e, and the Holy Spirit is with me, so I am not scared,” ani Jahzy.

Hindi maiwasan ng ina na mapahanga sa pananatiling matatag ng pananampalataya ng bata.

Imahe mula sa Facebook | Michelle Dalida-Calayag

“Her faith is shouting loudly here. While news, legit and fake, is spreading like wildfire, she opted not to focus on the problem but on God,” saad niya sa post na ngayon ay may 120k reactions at 57k shares na. “Her words resonate and bring hope.”

Paglilinaw ng ina, hindi ang “mensahe” na natanggap ni Jahzy ang nais nilang ikalat kung hindi ang pananampalataya ng isang bata.

“We pray that this would stir faith and hope upon us, and lead us to utter a prayer of blessing upon our nation and the world,” sabi ng ina.

As of posting ay may 35 kumpirmadong kas0 na ng COVID-19 sa bansa, kung saan nakataas na rin ang state of public health emergency. Harinawa’y huwag nang tumaas pa ang bilang na ito.

Source :

Facebook

Loading…