Batang nami-miss ang kanyang daddy na naka-duty sa checkpoint, inakalang tatay niya ang pulis sa telebisyon

  • Isang bata ang nangungulila sa kanyang amang p0lice officer na abala ngayon bilang isang frontliner
  • Bihira na raw magkita ang mag-ama kaya naman miss na siya ng musmos na anak
  • Dahil dito, nang makakita ng frontliners sa TV, hindi na raw huminto sa katatawag ng daddy ang bata sa officer na nakita

Maraming kababayan natin ngayon ang patuloy na nakikipagsapalaran kahit na umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa. Habang hinihikayat kasi ng pamahalaan na manatili sa loob ng tahanan ang karamihan sa mamamayan, mayroong mga Pilipino na kailangan pa ring magtrabaho at magserbisyo sa kanilang kapuwa.

Ilan sa mga ito ay ang mga p0lice officers na katuwang ng ating pamahalaan sa pagpapanatili ng katiwasayan sa mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sila ang nangunguna sa pagtitiyak na bawat isang papasok sa borders ay nasa maayos na kondisyon at susunod sa itinakdang patakaran ng ating mga opisyal.

Larawan mula sa Facebook video ni Vangie Daton Sanchez

Gayunman, kahit na bagong bayani ang tingin ng marami ngayon sa mga frontliners tulad ng mga p0lice officers, may sari-sariling pamilya pa rin sila na kailangan din ang kanilang pagkalinga. Ngunit dahil abala ngayon ang mga frontliners, miski ang kanilang mga kaanak ay hindi na rin sila gaanong nakakausap.

Ganito ang kuwento ng isang ina tungkol sa kanyang munting anak na sabik na sabik na rin sa kanyang ama. Sinabi ni Vangie Daton Sanchez sa kanyang Facebook post na dahil sa pagka-miss ng kanyang ama, maging ang mga sundalo sa telebisyon ay tinatawag na nitong ‘daddy.’

Makikita sa video na in-upload ni Vangie ang anak na nanonood ng newscast na 24 Oras. Noong mga oras na iyon, mga sundalo ang ibinabalita na masugid na nagbabantay sa mga checkpoint. Ang batang si Joaquin, inakalang daddy niya ang nasa telebisyon at nagsisigaw ito at tinatawag ang ama.

“Sobrang miss niya sa daddy niya na bihira niya na lang makita dahil nasa frontline… Nang may makita siyang pulis sa TV, akala niya, daddy niya kaya tawag-tawag niya,” sabi ni Vangie sa kanyang post.

Larawan mula sa Facebook video ni Vangie Daton Sanchez

Inilahad rin niya na hindi na niya nakuhanan ang isa pang eksena ng anak nang makakita rin ng mga magigiting na frontliners sa TV. May panahon daw na naluluha pa ang musmos na anak dahil sa sobrang pananabik sa kanyang ama.

Sabi ni Vangie, sobrang dalang na raw kasi talagang nagkikita ng mag-ama. Kung uuwi man daw ang officer nitong ama, sobrang gabi na at tulog na ang bata. Maaga rin daw itong pumupunta sa duty kaya hindi na talaga sila nagkakaroon ng pagkakataong makapag-usap at magkita man lang.

Panoorin ang video ni Joaquin na nananabik sa kanyang amang frontliner:

Sa sobrang miss nya sa daddy nya na bihira nya na lang makita dahil nasa frontline….nang may makita syang pulis sa tv, akala nya daddy nya kaya tawag-tawag nya. ?#fightcovid19#wewillwinthisbattle#salutetoourfrontliners#prayandcooperate

Posted by Vangie Daton Sanchez on Sunday, March 22, 2020

Loading…