Bell sa mga paaralan patutunugin nang 3 beses sa isang araw, hudyat para uminom ng tubig ang mga estudyante

  • Bell sa mga paaralan sa India patutunugin nang tatlong beses sa isang araw
  • Ang pagtunog ng bell ay hudyat na kailangang uminom ng tubig ang mga mag-aaral
  • Marami ang nagkakasakit sa India dahil sa dehydration

Ipatutupad ng pamahalaan ng India ang konsepto ng “water bell” sa mga paaralan sa layuning makainom ng sapat na dami ng tubig ang bawat mag-aaral sa loob ng isang araw.

Imahe mula sa The Better India

Ang “water bell’ ay patutunugin ng tatlong beses sa loob ng isang araw –10:35 ng umaga, 12:00 ng tanghali at 2:00 ng hapon. Kapag tumunog ang bell, ang lahat ng mga mag-aaral ay kailangang uminom ng tubig. Tatagal ang bawat “water break” ng hanggang labinlimang minuto.

Inatasan ni Primary and Secondary Education Minister S. Suresh Kumar ang commissioner ng Public Instruction na gumawa ng plano sa pagpapatupad ng “water bell” nang may pagsasa-alang-alang sa sitwasyon ng bawat distrito.

“It will be rolled out in a phased manner. Children in rural areas generally do not carry water bottles, but water is available in schools. We should first work out such issues and then formulate a plan,” ani Suresh Kumar.

Nilinaw naman ni Commissioner for Public Instruction K.G. Jagdeesha  na hindi compulsory ang pag-inom ng tubig sa tuwing tutunog ang bell.

“It is not compulsory to drink water every time the water bell rings. It is just a reminder to drink water. If one child drinks or sips water then others also will be inspired to take a sip. That’s what we are aiming at,” aniya.

Imahe mula sa TImes of India

Ang orihinal na ideya ng “water bell” ay nabuo mahigt dalawang taon na ang nakalilipas.

Naisip ito ni Jenil John, isang dating national-level handball player. Napansin kasi niya na maraming mga kabataan ang uma-absent sa paaralan dahil sa lagnat at impeksyon. Napag-alaman niyng ang sanhi nito ay dehydration.

Gumawa si John ng video na nagpapakita ng kahalagahan ng pag-inom ng sapat na tubig.

“The video was of a boy who faints after not drinking water despite feeling thirsty. He develops a severe stomach ache and a water bottle provided by the teacher and a school announcement makes the child realize the importance of drinking water. That is when we thought why not introduce a water bell just before the interval,” saad ni John.

Aniya, masaya siya na na-appreciate ng pamahalaan ang ideya niya. Nakatanggap din umano siya ng mga tawag mula sa mga doktor na pumuri sa kanyang ginawa.

Imahe mula sa The Better India

Maganda nga namang ideya ito upang matiyak na napaiinom ng tubig ang mga kabataan upang sila’y maging mas malusog at fully dehydrated.

Loading…