Bianca Manalo, sumailalim sa self-quarantine matapos ma-expose sa COVID-19 case ang BF na si Sen. Gatchalian

Imahe mula sa Instagram | Bianca Manalo at Senate | Henzberg Austria
  • Sumailalim sa self-quarantine ang aktres ang Miss Universe PH 2009 na si Bianca Manalo
  • Girlfriend siya ni Sen. Win Gatchalian na sumailalim din sa self-quarantine matapos na makasalamuha ang isang COVID-19 patient
  • Ikinalulungkot daw ni Bianca na hindi niya muna makikita ang mga mahal sa buhay ngunit kailangan niya itong gawin upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19

Kusang-loob na sumailalim sa self quarantine ang aktres at Miss Universe 2009 na si Bianca Manalo kasunod ng pagsailalim din dito ng nobyong si Sen. Win Gatchalian.

Imahe mula sa Instagram | Bianca Manalo

“Hello, everyone. As soon as I heard the news yesterday, I have decided to do a self-quarantine until I get tested,” sabi ni Bianca sa kaniyag Instagram post.

Ikinalulungkot daw niya na hindi niya muna makikita ang kaniyang pamilya, kaibigan, at mga katrabaho ngunit kailangan niya itong gawin bilang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“It makes me sad that I won’t be able to see my own family, Ang Probinsyano family, and friends as of the moment. But we have to be proactive!” dagdag niya pa.

Imahe mula sa Instagram | Bianca Manalo

Pinaalalahanan niya rin ang publiko na manatiling ligtas sa pamamagitan ng pagpapanatiling malakas ng kanilang immune system.

“Stay safe, drink vitamin C, boost your immune system, drink lots of water, and rest,” sabi niya. “I’ll keep myself busy by finishing all my books or start my new koreanovela, Itaewon Class.”

Isinama rin niya sa post ang opisyal na pahayag mula kay Sen. Gatchalian na sumailalim sa self-quarantine matapos na may magpositibo na resource person sa hearing kung saan siya ang chair.

“Though I am asymptomatic and feel healthy, I will follow government set protocols on such cases and go into self-quarantine immediately given that I interacted with the said individual during that committee hearing. I instructed all my staff to do the same especially those who had direct contact with the said person too,” sabi niya.

Source :

Instagram

Loading…