Bilang pagdiriwang ng kaarawan, babae sa Negros Occidental, namahagi ng relief goods

Imahe mula sa Facebook | Jessabel Arnado
  • Isinailalim sa enhanced community quarantine ang Negros Occidental kaya naman hindi na makapagdiriwang ng kaniyang kaarawan si Jessabel Arnado
  • Dahil dito ay naisip niyang magdiwang bago tuluyang ipatupad ang ECQ sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods sa mga nangangailangan
  • Hindi man daw tatagal sa buong quarantine period ang kaniyang ipinamigay ay nakatulong pa rin siya kahit papaano

Dahil hindi makapagdiriwang ng kaniyang kaarawan gawa ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Negros Occidental, naisip ng netizen na si Jessabel Arnado na mamahagi na lamang ng relief goods sa kaniyang mga kapitbahay.

Imahe mula sa Facebook | Jessabel Arnado

Aniya, bago pa ipatupad ang ECQ nitong Lunes ay nakapamili at nakapag-repack na sila ng mga pagkain para sa mga residente sa kanilang lugar sa Old Sagay.

“Birthday rin po namin ng pamangkin ko this week. Pero dahil po sa sitwasyon natin, hindi po kami makakapag-celebrate kasama ang maraming tao. Kaya naisip po namin na ipaaga na lang ‘yung ‘celebration’ at tumulong sa mga residente rito,” sabi ni Jessabel sa KMJS.

Bagama’t alam niyang hindi tatagal sa buong quarantine period ang mga naipamahagi ay malaking tulong na rin daw  ito.  “Matanda na rin kasi yung mga tao sa lugar. Marami rin dito ang nagtatrabaho sa sugarcane plantation,” dagdag niya.

Imahe mula sa Facebook | Jessabel Arnado

Hiling niya, sana ay may mga tumulong pa sa mga nangangailangan. “Sana po ‘yung iba, kung kaya nila, mag-extend din ng tulong sa kapwa. Let’s start doing good things even in small ways. Together, we can surpass this challenge. Let’s spread love and kindness.”

Nagpasalamat din siya sa mga frontliner at ipinagdasal ang kanilang kaligtasan. “Thank you also to our frontliners in Sagay! Your service is heroism, we salute you for that and we pray for your health & safety too,” sabi ni Jessabel.

Bukod sa Luzon, isinailalim na rin sa ECQ ang ilang mga probinsya sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kas0 ng COVID-19 sa bansa.

Source :

Facebook

Loading…