Birthday message ni Sarah Geronimo para sa asawang si Matteo Guidicelli, kinakiligan ng netizens

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli
  • Muling kinakiligan ang palitan ng matatamis na salita nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli para sa kaarawan ng huli
  • Tinawag ni Sarah na ‘loving at caring’ husband si Matteo
  • Nagbigay rin ng mensahe si Matteo sa mga frontliners na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin sa gitna ng panganib na dala ng COVID-19

Nagdala na naman ng kilig sa netizens ang simpleng pagbati ni Sarah Geronimo sa kaarawan ng kaniyang asawang si Matteo Guidicelli.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Sa pamamagitan ng Instragram account ni Matteo ay nagbahagi si Sarah ng throwback picture ng asawa na may kalakip na caption na “Happy Birthday to my loving and caring husband!! Kamukha mo si Lucho rito! I love you mahal ko.”

Sa hiwalay na post ay nagpasalamat naman si Matteo sa asawa. “Thank you, Mrs. Guidicelli, for everything. First birthday with you as your husband and I will forever cherish every single day with you,” aniya. Kalakip nito ang larawan ng Popstar Princess na may hawak na cake.

Bago matapos ang araw ay nag-post din ng video si Matteo kung saan sinabi niyang mahirap maging happy ang kaniyang birthday dahil maraming dumaranas ng paghihirap dahil sa COVID-19. “It’s breaking my heart every single day to see the news about different countries,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Dahil daw dito ay napagtanto niya kung gaano kahalaga maging ang mga simpleng bagay sa buhay. “Simple things in life are so precious — my wife, my dad, my mom, my brother, my sister, our dogs, our helpers, everybody,” sabi ni Matteo.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga kailangang gampanan ang kanilang tungkulin habang ang lahat ay nasa bahay kasama ang kanilang pamilya. “Thank you so much for everything you are doing…God bless the Philippines, God bless the whole world,” dagdag niya.

Ikinasal sina Sarah at Matteo sa isang secret wedding noong isang buwan sa kabila ng mga kontrobersiya.

Loading…