Bleaching solution ipinayo ng DENR na gamitin sa dekontaminasyon ng paligid at basura

  • DENR nagpayo na gumamit ng bleaching solution para sa dekontaminasyon ng kabahayan
  • Ang 10-15% ng bleaching solution ay dapat ihalo sa malinis na tubig, sabi ni Sec. Roy Cimatu
  • Sapat na umano ang solution upang ma-decontaminate ang paligid

Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang publiko panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Imahe mula sa DENR

“While we take care of ourselves against the COVID-19 pandemic, we also need to consider that dirty surroundings also contribute to the spread of the virus. Thus, we need to sanitize our homes and workplaces,” pahayag ni DENR Sec. Roy Cimatu.

Pinayuhan niya ang sambahayang Pilipino na gumawa ng cleaning solution sa pamamagtian ng paghahalo ng 10-15 percent ng bleaching agent o sodium hypochlorite sa malinis na tubig na magagamit na panlinis sa loob at labas ng pamamahay.

Aniya, ang solusyong ito ay sapat na upang ma-decontaminate ang paligid. Maaari rin itong iwisik sa mga basura sa bahay bago itapon ang mga iyon.

Ganito rin ang payo ni Sec. Cimatu sa mga garbage collectors. Dapat raw na wisikan ng naturang solusyon ang mga basurang nakolekta bago iyon dalhin sa mga disposal sites. Maaari rin iyong gamitin sa mga grarbage trucks bago at pagkatapos maghakot ng mga basura.

Imahe mula sa India Mart

“The idea is to kill the virus present in the solid waste and in the hauling trucks,” ani Sec. Cimatu.

Binigyang-diin din ni Cimatu ang kahalagahan ng tamang paraan ng pagdidispatsa sa mga hospital wastes.

Ang Office of the Solid Waste Management and Local Government Units Concerns ng DENR ay nakikipag-ugnayan sa mga mayors sa pagpapatupad ng proper disposal ng masks, gloves, caps at hospital gowns na nagamit na ng mga medical frontliners.

Imahe mula sa Shubhsurgicals

Loading…