Boy Abunda naging emosyonal nang awitin ni Moira ang ilang linya ng latest single niyang “Patawad”

  • Boy Abunda pinaiyak ni Moira Dela Torre sa TWBA
  • Na-touch si Boy sa mensahe ng latest single ni Moira na “Patawad”
  • Nang makontrol na ang damdamin, pinasalamatan ni Boy si Moira sa kanyang musika

Masaya at puno ng tawanan ang simula ng pag-uusap nilang dalawa ni Boy Abunda nang bumisita si Moira Dela Torre sa “Tonight With Boy Abunda” show kamakailan lang.

Screenshot mula sa TWBA show

Unang napag-usapan ang “funny moments” ni Moira at asawang si Jason Marvin Hernandez noong bagong kasal pa lang sila. Ani Moira, hindi nila alam ang dapat gawin sa kanilang first night bilang mag-asawa.

Kwento niya, maraming “advice” na ibinigay ang mga ninong at ninang nila kung paano ang gagawin sa unang gabi nila bilang mag-asawa,  pero kahit isa ay wala raw silang nasunod sa mga ipinayo sa kanila.

Marami pa sanang gustong itanong si Boy Abunda tungkol sa  first night ng mag-asawa pero sinabi ni Moira na marami siyang fans na underage na posibleng nanonood ng TWBA kaya sinabi ni Boy na iba na lang ang pag-usapan nila.

Ibinaling ni Boy ang usapan sa bagong single ni Moira – ang “Patawad.”

Ipinaliwanag ni Moira kung ano ang mensahe ng nasabing kanta nang itanong ito ni Boy. Hiniling pa ng show host na marinig ito.

“Can I listen to Patawad?” hiling ni Boy kay Moira na agad namang nagpaunlak ng ilang linya ng kanta.

Screenshot mula sa TWBA show

Halatang pinipigilan ni Boy Abunda ang mapaluha pagkatapos umawit ni Moira, subalit hindi niya kinayang mapigilan ang emosyon at tuluyan nang tumulo ang luha.

“Pinaiyak mo ‘ko,”  ani Boy na nagtakip pa ng mukha upang itago ang pagdaloy ng mga luha.

Screenshot mula sa TWBA show

Nang makontrol na ang damdamin, pinasalamatan ni Boy si Moira sa kanyang musika.

Narito ang ma-emosyong tagpo sa TWBA:

 

 

 

 

Source :

YouTube

Loading…