Bride na 15-minutong tumigil sa paglalakad sa aisle, may nakaaantig palang dahilan

  • Viral ngayon sa social media ang kuwento sa likod ng matagal na pagtigil ng isang bride sa kalagitnaan ng kaniyang bridal walk
  • Ayon sa post ng isa sa mga wedding photographer na si Jamel Pasilan, matiyaga palang hinintay ng bride ang kaniyang ama na makarating sa simbahan upang ihatid siya sa altar
  • Marami man ang pinagdaanan, nakarating naman ang Daddy ng bride sa simbahan at nakapiling ang kaniyang anak hanggang sa huling sandali ng kaniyang pagkadalaga

Umantig sa netizens ang kuwento sa likod ng matagal na pagtigil ng isang bride sa gitna ng simbahan sa araw mismo ng kaniyang kasal.

Imahe mula sa Facebook post ni Jamel Ara Pasilan

Sa isang kasalan noong February 29, ibinahagi ng isa sa mga wedding photographer na si Jamel Pasilan ang nasaksihang pagtigil ng bride sa aisle ng San Agustin Church sa Maynila.

“It’s a normal bride-walking-down-the-aisle-moment, the groom was crying and there were happy tears everywhere, when suddenly Tin, our bride stop in the middle of the aisle,” sabi ni Jamel sa kaniyang Facebook post.

Ayon dito, ilang sandali na natigil ang bride sa gitna ng pasilyo ng simabahan na tila ba may hinihintay. Narinig na lamang umano niya na hinahanap pala nito ang kaniyang ama na wala sa kaniyang tabi para sabay silang maglakad papalapit sa altar.

May iilan na rin ang sumenyas rito upang sabihin na ituloy na ang kasal ngunit nagmatigas ang bride na maghintay.

“More than 15 minutes biglang dumating si Daddy humahangos,” saad ni Jamel. “The crowd was clapping and cheering, and everyone was so happy, and I cried,” dagdag nito.

Hindi lang pala ang anak nitong babae ang umasa na sabay silang maglalakad sa simabahan.

Imahe mula sa Facebook post ni Jamel Ara Pasilan

Pagpapatuloy ni Jamel, hindi pinayagan ang ama ng bride na magpark ng kaniyang sasakyan sa San Agustin Church. Pinili na lamang umano nitong bumalik sa Manila Hotel upang doon iwan ang kaniyang sasakyan at saka sumakay ng taxi patungong simbahan.

Nang mapansin na huli na siya para sa oras ng kasal, bumaba umano ang Daddy ng bride sa taxi at saka nakiusap sa isa mga motorista na isakay siya para makaabot sa kasal ng anak.

Imahe mula sa Facebook post ni Jamel Ara Pasilan

“He might be thinking his little girl is waiting for him. And yes, she is waiting for Daddy in the middle of the aisle,” pagbabahagi ni Jamel sa post.

Source :

Facebook

Loading…