Buong Luzon isinailalim sa enhanced community quarantine

  • Pangulong Duterte nagdeklara ng enhanced community quarantine sa buong Luzon
  • Striktong home quarantine para sa lahat ng household ay ipatutupad
  • Ang mga transportasyon ay isususpinde
  • Ang iba pang detalye sa deklarasyon ay inaasahang ipahahayag ng Pangulo

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga mamamayang nagpopositibo sa COVID-19.

Screenshot mula sa CNN PH video

“PRRD just announced an enhanced community quarantine in the entire Luzon,” pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo.

“Strict home quarantine shall be implemented in all households; transportation shall be suspended; provision for food and essential services shall be regulated; and heightened presence of uniformed personnel to enforce quarantine procedures will be implemented,” dagdag pa ni Panelo na sinabing total lockdown ang ibig sabihin ng enhanced community quarantine.

Ayon pa sa kanya, ang enhanced community quarantine sa Luzon ay “effective immediately.”

May mga exemptions naman sa mga guidelines nito.

“Ang exception doon, iyong mga frontline health workers, iyong mga authorized government officials, exempted din iyong mga for medical reasons and humanitarian reasons, also the transport of basic necessities,” paliwanag ng tagapagsalita ng Pangulo.

Screenshot mula sa CNN PH video

Mananatili namang bukas ang mga supermarkets at groceries. Ang operasyon ng mga banko ay restricted lang sa mga automated teller machines o ATM.

Ang mga local government units (LGUs) ang magde-deliver ng basic goods sa mga residente nila.

“The LGUs, with respect to food and essential needs, will be delivered by them. So ibig sabihin, I think they will have a system wherein lahat ng mga mayors, lahat ng mga barangays alam nila ‘yung mga residents nila. Malalaman nila kung sino ang nangangailangan ng ganitong items. At pag nalaman na nila ‘yan, syempre, may listahan, sila ang bibili, para ‘yung distribusyon ay pantay-pantay,”ayon pa kay Panelo.

Ang iba pang mga detalye hinggil sa enhanced community quarantine na ipapahayag ni Pangulong Duterte ay inaasahang ieere sa mga news programs sa telebisyon.

Screenshot mula sa CNN PH video

Be safe po. Sumunod sa mga guidelines para sa kapakanan ng lahat.

Loading…