CabSec Karlo Nograles, itinanggi ang balitang extended ang ECQ

  • Iginiit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi totoo ang kumakalat na balitang extended ang quarantine
  • Sa totoong news sources lamang daw dapat maniwala ang mga netizen
  • Nais din daw nilang papanagutin ang mga nagpapakalat ng hindi totoong balita online

Sa panahong nasa loob ng bahay ang maraming Pilipino dahil sa enhanced community quarantine (ECQ), marami din sa atin ang nakababad sa internet at social media. Ngunit ang madalas na paggamit ng internet ay nagdudulot din ng hindi magandang epekto sa mga netizen lalo na’t patuloy na kumakalat ang mga hindi totoong balita.

Isa sa mga hindi tinatantanan ng maling ulat mula sa ilang netizens ay ang pag-extend umano ng sa umiiral na ECQ. Marami na ang balitang kumakalat online na magpapatupad pa raw ng karagdagang buwan ang community quarantine at balak pa umanong i-total lockdown ng Palasyo ang buong bansa.

Larawan mula sa PNA

Kumambyo rito si Cabinet Secretary Karlo Nograles at sinabing pawang huwad na balita lamang ang sinasabing extension ng ECQ at ang pagpapatupad ng total lockdown sa buong bansa. Wala raw katotohanan na extended ang ECQ at pamumunuan ng pwersang militar ang buong bansa kapag nangyari ito.

“Gusto kio linawin, lahat iyan ay fake news. Huwag tayo maniwala sa fake news na ‘yan,” pahayag ni Nograles sa GMA News.

Sinabi rin ni Nograles na hindi raw dapat tayo maniwala sa lahat ng kumakalat na balita at mensahe sa social media. Dapat daw ay nakikibalita lamang tayo sa mga lehitimong news source. Lahat daw ng hakbang ng pamahalaan ay inaanunsiyo ng Pangulong Rodrigo Duterte, ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), at ng Inter-Agency Task Force ng bansa.

“Wala tayong ina-announce na any extension ng quarantine. Gusto nga natin na mapabilis ito,” dagdag pa ng Cabinet Secretary.

Larawan mula sa PNA

Inihayag din ni Nograles, na dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief, na kumikilos na raw nang mabilisan ang DILG upang matukoy kung sino-sino ang nagpapakalat ng maling balita tungkol sa mga plano ng pamahalaan.

“Hindi na maganda ito eh. Hindi na nakakatuwa at hindi na nakakatawa,” bulalas ni Nograles na nagbabalang isa sa mga nais parusahan ng pangulo ang pagpapakalat ng malisyosong balita sa panahon ng ECQ.

Source :

GMA News, PNA

Loading…