Cainta LGU, nag-set up na rin ng libreng sanitation tent malapit sa public market

  • Ibinida ng Cainta ang bago nilang inilagay na sanitation tent malapit sa Cainta Public Market
  • Ayon kay Cainta Mayor Johnielle Keith Pasion Nieto, may misting nozzles na may kasamang disinfecting chemicals sa loob upang malinis ang mga papasok sa tent
  • Dagdag niya, susunod nilang lagyan ang mga pamilihan sa Karangalan at Parola

Patuloy ang pangongopya ng iba’t ibang local government units sa mga mabubuting gawain ng mga kalapit nilang lugar para maiwasan ang paglaganap ng C0VID-19.

Image via Johnielle Keith Pasion Nieto | Facebook

Sa post na ibinahagi ni Cainta Mayor Johnielle Keith Pasion Nieto sa Facebook nong March 28, ibinida nito ang bago nilang lagay na sanitation tent malapit sa Cainta Public Market.

“Nag-set up na rin tayo ng sanitation tents sa Cainta Public Market ngayon,” sabi niya sa post.

Ayon pa sa kaniya, may misting nozzles na nagbubuga ng disinfecting chemicals sa loob ng tent upang malinis ang katawan ng sinomang papasok dito. Isusunod din umano nilang lagyan ang mga pamilihan sa Karangalan at Parola.

“May misting nozzles na may sanitation chemicals sa loob para ma sanitize yung mga papasok. Gagawa din tayo nito sa karangalan market at sa parola,” aniya.

Nagdemo naman ang ilang mga residente hinggil sa paggamit ng sanitation tents.

Ang ilan sa mga mamimili ay may bitbit nang pagkain at dumaan muna sa tent upang siguruhin na nakapag-sanitize sila bago umalis sa lugar.

Marami naman ang nagpaabot ng kanilang pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Cainta dahil sa patuloy na aksiyon nila para maiwasan ang c0ronavirus sa lugar.

Image via Johnielle Keith Pasion Nieto | Facebook

“Kanina Mayor namalengke ako kahit may stock pa ako for a week. Gusto ko lng testing-in yung gawa niyo. Sabi 5 seconds daw sa loob para masanitize talaga. Ayos, Mayor! Kahit hirap sa parking okay lang lang importante makikita mo nagagawa ng social distancing,” sabi ni EMC. Pakibantayan po yung presyo ng ibang nagtitinda parang feeling ko po nagtaas karamihan sa mga tinda,” dagdag niya.

“Salamat po, Mayor. Puspusan po kayo ng kalakasan at katalinuhan para sa pangangalaga at kaayusan ng ating bayan. God bless you more,” sabi naman ni KA.

“Thank you po, Mayor. Talagang iniisip ninyo at ginagawa ninyo ang kaligtasan ng mga taga-Cainta,” pahayag naman ni RPL.

Source :

Facebook

Loading…