Cainta sasailalim na rin sa community quarantine simula March 15

  • Inanunsiyo ni Mayor Johnielle Keith Pasion Nieto na isasailalim na rin ang bayan ng Cainta sa community quarantine simula sa Linggo, March 15
  • Kaugnay umano ito ng pagkakaroon ng kabuuang tatlong kas0 ng COVID-19 sa dalawang magkaibang barangay sa kanilang munisipyo
  • Iginiit naman ng alkalde na patuloy ang fumigation at misting activities sa buong bayan upang hindi na rin kumalat pa ang virus

Isasailalim na rin sa community quarantine ang bayan ng Cainta sa Rizal simula Linggo, March 15, batay na rin sa anunsiyo ni Cainta Mayor Johnielle Keith Pasion Nieto.

Imahe mula sa Facebook post ni Johnielle Keith Pasion Nieto

Sa isang Facebook post, sinabi ng alkalde ang planong pagpapatupad ng community quarantine sa lugar kaugnay ng pagkakaroon ng kabuuang tatlong kaso ng COVID-19 sa dalawang magkaibang barangay rito.

“Advisory: Pursuant to the President’s pronouncements, documented in an inter agency resolution involving COVID-19, and further considering the presence of three confirmed cases of subject virus situated in Barangay San Isidro and San Andres, two of whom died today, I am constrained to place the entire town of Cainta under quarantine,” pahayag ng alkalde sa Facebook noong March 12.

Kabilang sa mga barangay na may naitalang kaso ng COVID-19 ay ang Brgy. San Isidro at Brgy. San Andres.

Iginiit naman ng alkalde na patuloy ang fumigation at misting activities sa buong bayan upang hindi na kumalat pa ang virus.

Sa panibagong post, binigyang-linaw ni Mayor Nieto ang kaniyang mga constituents tungkol sa ilang mga kaganapan sa kanilang bayan bago pa maging epektibo ang community quarantine.

Ayon dito, nakatakdang magbahay-bahay ng mga senior presidents ng iba’t ibang barangay para mamigay ng vitamins sa matatanda na siyang itinuturing na “vulnerable” sa gitna ng paglaganap ng COVID-19.

Imahe mula sa Facebook post ni Johnielle Keith Pasion Nieto

Mag-iikot rin umano ang purchase control team ng business permits office upang masiguro na hindi nagho-hoard ng suplay ang mga grocery stores at iba pang mga tindahan. Patuloy rin umano ang pamimigay ng kanilang munisipyo ng mga libreng alcohol sa mga nangangailangan.

Maliban rito, pinahinto na rin muna ang public events sa lugar hanggang maalis ang community quarantine na itinalaga sa bayan ng Cainta.

UPDATE:

Naglabas na rin ng quarantine guidelines ang  Cainta effective 15 March 2020.

Loading…