Cavite Gov. Jonvic Remulla sa paglabag sa DOH protocol sa testing: I take full responsibility

Image mula sa Twitter | Jonvic Remulla
  • Mainit na usapin ngayon sa social media ang pagkakaroon diumano ng VIP testing para sa ilang mga politiko
  • Si Cavite Gov. Jonvic Remulla, humingi ng paumanhin kung may hindi siya nasunod na protocol ng Department of Health
  • Nangako rin siyang hindi na ito mauulit

Pinag-usapan sa social media ang pagkakaroon diumano ng VIP treatment sa ilang mga politiko, kanilang staff, at pamilya pagdating sa COVID-19 testing.

Image mula sa Twitter | Jonvic Remulla

Umani ito ng kritisismo mula sa publiko dahil kakaunti pa lamang ang test kits sa bansa kaya maraming mga persons under investigation, patients under monitoring, at frontliners na hindi pa nate-test para rito.

Sa gitna ng kontrobersiya ay humingi ng paumanhin si Cavite Gov. Jonvic Remulla na umaming maaaring may protocol ang Department of Health (DOH) na hindi niya nasunod.

Paliwanag niya, dumalo siya sa isang pagpupulong tungkol sa mitigation measure para sa COVID-19 sa Cavite. Lahat daw ng naroon ay dumaan sa thermal scanning. Ngunit nalaman nilang may isang participant na nakararanas ng sintomas ng COVID-19.

“So in the spirit of transparency, I had myself swabbed and the samples were sent to RITM for verification,” ani Remulla sa kaniyang tweet. “There is a protocol and triage algorithm set by DOH that I may have skipped. I take full responsibility if you think I took advantage of my position.”

Imahe mula sa Cavite website

Humingi rin siya ng paumanhin at nangakong hindi na mauulit. “I am not exempted nor immune to the virus, no one is. I would like to apologize and I promise never to take advantage of my position again,” dagdag niya pa sa tweet.

Bagama’t marami ang tumanggap sa paghingi niya ng paumanhin ay may ilan din na nanawagang palitan niya ang test kits na nagamit niya. “Palitan mo ang mga test kits na nasayang mo at ng staff mo at doblehin mo. ‘Di puwedeng sorry lang,” sabi ng isa.

“‘Wag sorry lang. Commit to support mass testing and/or donate your personal funds to our frontline healthcare workers,” sabi naman ni Cel.

Kasalukuyang nakataas ang enhanced community quarantine sa buong Luzon upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Source :

Twitter

Loading…