Chinese doctors tutulong sa Pilipinas kontra sa coronavirus

  • China magpapadala ng medical team upang tulungan ang Pilipinas kontra coronavirus
  • Si DFA Sec. Locsin ang humiling kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian na magpadala dito ng Chinese doctors
  • Inihahanda na ng DOH ang hotel accommodations ng Chinese doctors at ang mga magsisilbing translators o interpreters

Ilang Chinese doctors ang magtutungo sa Pilipinas upang tulungan ang bansa sa paglaban kontra sa nakahahawang novel coronavirus.

Imahe mula sa Xinhuanet

Ipinahayag ni Philippine Ambassador to Beijing na si Jose Santiago Sta. Romana sa isang news briefing nitong Lunes, ika-30 ng Marso, na kasalukuyang hinahanda ang mga detalye hinggil sa Chinese doctors, kabilang na ang bilang ng makakasama sa medical team at ang petsa kung kailan sila darating sa bansa.

“Kasali na ‘yan sa plano. Nabanggit na rin ito ni Secretary Locsin (Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Jr.) na merong medical team na hinahanda na pupunta diyan para tumulong sa atin,” anang ambassador.

Habang hindi pa dumarating ang Chinese medical team, patuloy naman ang pagdating sa Pilipinas ng mga medical supplies mula sa China, ayon pa rin kay Ambassador Sta. Romana.

Sa isang Twitter post, sinabi ni Sec. Locsin na hiniling niya kay Chinese Ambassador to the Philippines na si Huang Xillian na magpadala sa bansa ng mga Chinese doctors. Aniya, hindi magiging problema ang mga interpreter. Ngunit pinigil umano ng Department of Health (DOH) ang pagdating ng mga Chinese doctors sa Pilipinas.

Imahe mula sa DFA

“I asked Amb. Huang to send us Chinese doctors. Interpreters are no problem: Chinese General Hospital and the Metropolitan Hospital—where Yuchengcos had equity, my daughter was born there—will readily supply them. But DOH is blocking their arrival. Don’t piss me off. let them in,” tweet ni Sec. Locsin.

Pinabulaanan naman ni DOH Secretary Francisco Duque III ang sinabi ni Sec. Locsin.

Ani Sec. Duque, inihahanda na nila ang hotel accommodations ng isandosenang Chinese doctors at ang mga magsisilbing translators o interpreters.

Imahe mula sa DOH

Loading…