Chinese-run tour agencies sa bansa ibinebenta sa Chinese tourists ang PH passport, iba pang dokumento

  • Tour agencies nagbebenta umano ng Philippine passports at iba pang dokumento sa mga Chinese tourists
  • Ang tour agencies na diumano’y sangkot sa ilegal na gawain ay pagmamay-ari ng Chinese nationals
  • Ang ilegal na serbisyo ay ino-offer sa pamamagitan ng WeChat messaging app

Isiniwalat ni Senator Risa Hontiveros na sa pamamagitan ng isang messaging app ay ibinebenta ng tour agencies na mga Chinese ang operators ang Pasaporte ng Pilipinas at iba pang-government-issued documents sa mga Chinese tourists.

Imahe mula kay Sen. Risa Hontiveros

Aniya, bukod sa Philippine passport, nag-aalok din ang mga nabanggit na tour agencies ng birth certificate, Land Transportation Office (LTO) driver’s license at kahit ang pag-open ng Philippine bank account sa mga Chinese nationals na nais magtungo sa Pilipinas, partikular na ang mga POGO workers.

Hayagan pa umanong ina-advertise ng tour agencies ang ilegal nilang serbisyo sa WeChat messaging app.

Kaya rin umanong gawin ng tour agencies na maalis ang pangalan ng Chinese nationals sa blacklist ng Bureau of Immigration at palabasin sa airport kapag hinarang ang kanilang pagpasok sa bansa.

Ang pagsisiwalat ay ginawa ni Senator Hontiveros, ang chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sa pagpapatuloy ng Senate hearing hinggil sa mga ilegal na aktibidad kaugnay ng operasyon ng mga POGO sa bansa.

Screenshot ng Facebook post ni Sen. Risa Hontiveros

“Ino-offer ng Chinese tour agency ang passport ng Republika ng Pilipinas. They offer to process LTO driving license even using tourist visa. They will even produce a birth certificate for you. Two agencies are advertising these criminal services freely,” aniya.

Sa isang presentation  ay ipinakita pa ng senador ang screen capture ng serbisyong ino-offer ng mga tour agencies kasama ang translation nito.

“We can process LTO driving license even using tourist visa. We can also get you Philippine birth certificate, opening of Philippine bank account. Just provide photo of passport. No personal appearance needed at the bank,” ang translation sa mensahe ng tour agency sa WeChat.

Imahe mula kay Sen. Risa Hontiveros

Binanggit ng senadora ang isang Empire Travel Agency na diumano ay may malakas na impluwensya sa loob ng Bureau of Immigration.

Ayon umano sa impormante ni Sen. Hontiveros, napakagalante raw ng boss ng Empire International Travel and Tours sa mga immigration officers. Namimigay umano ito ng mga branded items. Ang Empire boss ay kinilalang si Liya Wu.

Itinanggi ni Wu, na um-attend sa hearing, ang aksusasyon. Aniya, ang kompanya ay nag-o-operate noon pang 1998, accredited ng Philippine government at hindi sangkot sa anumang ilegal na gawain.

Imahe mula kay Sen. Risa Hontiveros

Loading…