Christopher De Leon, nagsilbing inspirasyon ng mag-asawang nurse na positibo sa COVID-19

Imahe mula sa Instagram | Sandy Andolong
  • Inspirasyon si Christopher De Leon para sa mag-asawang positibo sa COVID-19 na ibinahagi ang kanilang status
  • Nais daw nilang alisin ang stigma sa mga nagpopositibo rito
  • Ito rin ang hiling ng asawa ni Christopher na si Sandy Andolong dahil mahirap na raw ang pinagdadaanan ng mga nagpositibo rito

Nagsilbing inspirasyon ang aktor na si Christopher De Leon upang ilantad ng mag-asawang positibo rin sa COVID-19 ang kanilang status. Bukod sa naniniwala silang makatutulong ang panalangin ay nais din nilang matigil ang stigma sa mga nakakuha ng virus na ito.

Imahe mula sa Instagram | Sandy Andolong

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi ng asawa ni Christopher na si Sandy Andolong ang natanggap na mensahe mula sa kaniyang batchmate sa University of the Philippines Integrated School na si Liliza Pancho.

“I just want to tell you that your hubby’s sharing his COVID status inspired me to share our status (both me and Bob are COVID positive),” sabi ni Liliza sa kaniyang mensahe.

Umaasa raw sila na hindi na makararanas ng malalang sintomas upang makabalik na sa normal na pamumuhay. Dagdag pa ni Liliza, hindi raw nila dapat ikahiya ang pagiging positibo sa COVID-19.

“I think we should not be ashamed. It should not leave a stigma ’cause it’s a virus. If we can help people then it’s worth it,” sabi ni Liliza. Parehong nagtatrabaho bilang nurse sina Liliza at asawang si Bob.

Imahe mula sa Instagram | Sandy Andolong

Sang-ayon naman dito si Sandy dahil hindi raw biro ang pinagdadaanan ng mga pasyenteng nilalabanan ito nang mag-isa.

“COVID is becoming a stigma because of paran0ia, fear, and ign0rance. This has to stop. Isolation is hard and heartbreaking for affected people and their families…My heart bleeds for them. Praying this will end soon,” ani Sandy.

Kamakailan lamang ay nakalabas na sa 0spital si Christopher. Sa isang IG story ay pinasalamatan ni Sandy ang lahat ng health worker na nag-alaga sa kaniyang asawa. “And he is finally home! Big thank you to all the staff, health workers, medics, nurses, and doctors of Medical City H0spital,” sabi ni Sandy.

Si Christopher ang unang Pilipinong artista na umaming nagpositibo sa COVID-19. Kinumpirma niya ito sa isang post sa Instagram kalakip ang paaalala sa mga nakasalamuha sa mga nakalipas na linggo na mag-self isolate muna.

Loading…