Class dismissed: Larawan ng isang guro na tila nami-miss ang kanyang mga estudyante, umantig sa mga netizens

  • Trending sa social media ang larawan ng isang guro na tila nami-miss ang kanyang mga mag-aaral
  • Nakatitig kasi ito sa larawan ng klase niya sa isang monitor habang nag-iisa lamang sa loob ng classroom
  • Maraming guro at estudyante naman ang naka-relate sa post na ito

Hindi na bago para sa atin ang taguri na ang mga guro ay ang ating ikalawang magulang. Sila kasi ang nagsisilbi nating gabay sa loob ng classroom at sa loob ng paaralan. Ngunit ang samahang guro at estudyante ay hindi tulad ng samahan ng isang pamilya kung minsan. Dahil mas maikli ang pagsasama natin sa ating mga ikalawang magulang.

Ito ang diwa ng isang larawang trending ngayon sa social media. In-upload ng isang Facebook user na si Edward mula sa Binangonan, Rizal ang larawan ng isang lalaking guro habang nasa loob ng isang classroom. Sa flat screen monitor sa harap nito ay naka-flash ang class picture.

Larawan mula sa Facebook page ni Edward

Makikitang seryoso ang guro sa pagtitig sa larawan ng kanyang klaseng nakapiling niya nang buong school year. Dama ng mga netizens ang lungk0t na nadarama ng guro dahil nalalapit na naman ang pagtatapos ng klase.

Ginamit pa ng post na caption ang isang linya sa kanta ng sikat na bandang Air Supply na Goodbye na paraan upang ipakita at ipadama ang pamamaalam ng isang guro sa kanyang mga estudyante na bagama’t ilang beses na nakagalitan sa buong taon, ay hindi naman maitatangging napamahal na rin sa kanya.

Agad namang nag-viral sa social media ang larawan ng guro. Umabot lang naman sa higit 9,300 reactions at 18,000 shares ang nakamit ng post ilang araw matapos ibahagi ni Edward sa kanyang Facebook account.

Marami namang mga estudyante at guro ang naka-relate sa larawan. Ayon sa kanila, ito raw ay isa sa mga realidad na kinahaharap ng mga guro. Kahit naman daw kasi may ilang estudyanteng pasaway, hindi naman daw maiiwasang ma-miss nila ang mga ito lalo na’t napalapit na rin sa kanila.

Larawan mula sa Pexels

Ang ilan namang magkakaklase ay maraming napagtanto sa larawan. Hindi lang kasi mga guro ang makararamdam ng lungk0t sa araw ng pagtatapos dahil maging silang magkakaklase ay magkakahiwa-hiwalay na rin.

Ayon sa mga estudyanteng nagkomento, bagama’t hindi naging madali ang kanilang pakikipagsapalaran sa buong school year, naging isang napakagandang alaala naman ito dahil sa magandang karanasang ibinigay ng mga guro at kamag-aral na nagsilbi na rin nilang kaibigan at kapamilya.

Loading…