CNN Philippines hindi muna eere sa TV kaugnay sa gagawing disinfection sa gusali nito dahil sa COVID-19

  • CNN Philippines pansamantalang hindi magbo-broadcast ng balita sa telebisyon
  • Ang Worldwide Corporate Center, kung saan isa ang CNN Philippines sa mga tenants, ay isasailalim sa disinfection
  • Isa sa mga kawani ng tenants sa gusali ay nagpositibo sa COVID-19

Pansamantalang hindi mapapanood sa telebisyon ang mga programa ng CNN Philippines dahil sa gagawing disinfection sa gusali kung saan ito naroroon.

Imahe mula sa CNN Philippines

Isa umanong empleyado ng isa sa mga tenants ng Worldwide Corporate Center ang nagpositibo sa COVID-19.

Magsasagawa ng disinfection sa buong gusali ang  management ng Worldwide Corporate Center na matatagpuan sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City, kung saan isa ang CNN Philippines sa mga tenants.

Dahil dito ay 24 oras itong hindi eere sa telebisyon.

Patuloy pa rin namang makapaghahatid ng mga pinakahuling balita ang CNN Philippines sa pamamagitan ng website nito at mga social media accounts sa Twitter, Facebook at Instagram.

Sinabi pa nito na ilang linggo na silang nakahanda sa anumang posibleng mangyari na dulot ng COVID-19 pandemic.

“We have prepared for this emergency. For more than two weeks, many of our colleagues have been isolated and working from home already. We took that step in anticipation of something like this to happen. CNN Philippines still has a team working to gather stories that matter and to bring them to you as they happen,” pahayag ng CNN Philippines.

Imahe mula sa CNN Philippines

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 187 COVID-19 cases sa bansa, dahilan upang ipatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, ang lahat ng mamamayan sa Luzon ay kailangang mamalagi sa loob ng bahay, ang public transportation ay sinuspinde at nagpapatupad ng curfew upang makontrol ang lalo pang pagkalat ng novel coronavirus.

Loading…