‘Community quarantine, hindi picnic:’ Liham ng ina, kinaaliwan

Imahe mula sa Facebook | Dabz Esmeralda Melgarejo
  • Usap-usapan ngayon ang kwelang liham ng isang ina na nagpapaalala sa mga anak na maghinay-hinay sa pagkain ng kanilang mga stock
  • Ilang araw pa lang daw kasing umiiral ang enhanced community quarantine ay nakailang balik na siya sa grocery
  • Marami ang naka-relate dito dahil pagkain ang pinagkakabalahan ng marami upang magpalipas ng oras

Stay at home ang panawagan ng pamahalaan at mga health workers sa gitna ng laban ng bansa kontra COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Dabz Esmeralda Melgarejo

Ngunit kahit ilang araw pa lamang ang nakalilipas simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine ay marami na ang nakararanas ng boredom sa loob ng kanilang mga bahay. Ang ilang netizens, TikTok ang ginagamit na pampalipas oras. May ilan na ring umabot sa puntong nagbibilang kung ilang piraso ng tiles ang mayroon sila sa bahay.

Ngunit ang isa pang pinagkakaabalahan ng marami sa ngayon ay ang pagkain ng kanilang stock. Kaya naman isang ina ang umaapela na sa kaniyang mga anak na maghinay-hinay sa pagkain ng grocery supply na ihinanda niya sana upang malimitahan na ang paglabas ng kanilang tahanan. Ibinahagi ito ni Dabz Esmeralda Melgarejo sa isang Facebook post.

“Mga anak, lalo ka na Rob. Dahan-dahan naman sa kain. Nakailang balik na ako sa grocery store. Wala na tayong pera,” aniya sa isang handwritten note na nakapaskil sa kanilang bahay.

Imahe mula sa Facebook | Dabz Esmeralda Melgarejo

Paalala rin niya, hindi raw bahay ni Big Brother ang kanilang tahanan. “Hindi pa nagsisimula ang lockdown, ubos na. Community quarantine ang tawag, mga anak. Hindi community picnic. Please lang,” aniya pa.

Marami ang naka-relate dito at sa kasalukuyan ay may mahigit 33k reactions at 53k shares na ito.

“Isang linggo pa lang quarantine pero ‘yong naubos, pang two months na yata,” komento ni April G.

Si Cecil C., ibinahagi na kabaliktaran ang umiiral sa kanilang bahay dahil pinapayuhan daw siyang kunin itong pagkakataon upang magkalaman. “Malapit na ring magsulat si Mama ng ganiyan,” ani Kaye P.

Relate ka rin ba rito?

Source :

Facebook

Loading…