Community quarantine may positibong epekto sa pamilyang Pilipino – Robin Padilla

  • May positibong epekto sa pamilyang Pilipino ang community quarantine, ayon kay Robin Padilla
  • Dahil sa community quarantine ay magkakaroon umano ng mas maraming oras upang muling magsama-sama ang buong pamilya
  • Maganda raw itong pagkakataon upang muling kilalalinin ang mga miyembro ng pamilya

Milyun-milyong mamamayan ang apektado sa community quarantine na ipatutupad sa buong Metro Manila simula sa hatinggabi ng March 15, 2020.

Imahe mula sa Facebook account ni Robin Padilla

Sa ilalim ng community quarantine ay magkakaroon ng restriksyon ang galaw ng mga tao. Lilimitahan na ang paglabas at pagpasok sa buong Kamaynilaan sa pag-asang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng virus na nagdudulot ng COVID-19.

Pinapayuhan ng pamahalaan na hangga’t maaari ay manatili sa loob ng pamamahay ang lahat kung wala namang mahalagang bagay na gagawin sa labas.

Marami ang nabahala sa ipatutupad na community quarantine, pero may ilan din na piniling maging positibo ang pananaw hinggil dito. Isa na ang aktor na si Robin Padilla.

Sa kanyang social media account, sinabi ng aktor na may positibong epekto ito sa pamilyang Pilipino.

“Ang positibong epekto ng community quarantine na ito ay magkakaroon ng maraming oras at araw ang isang pamilya upang muling magsama-sama ng sabay-sabay sa kanilang tahanan,” sabi ni Robin.

Aniya, matagal-tagal na ring naging abala ang bawat isa sa atin sa mga sarili nating buhay kaya dapat nating samantalahin ang pagkakataon ito upang muling maka-bonding ang buong pamilya.

Imahe mula sa News5

“Walang mall ngayon. walang lakwatsa, walang barkada, walang extra-curricular activities. Para tayong nabalik sa nakaraan. Samantalahin natin ang pagkakataon na ito upang makapag usap-usap at muling kilalanin ang miembro ng ating mga pamilya,” panawagan niya.

Dapat raw nating patibayin ang bawat pamilya sa panahong katulad nito dahil kapag malakas ang pamilyang Pilipino, lalakas din ang buong bansa sa pagharap sa mga krisis tulad ng nararanasan ngayon.

Source :

Instagram

Loading…