Coney Reyes, pinasalamatan ang Diyos at ang mga taong sumusuporta kay Vico Sotto

  • Sa likod ng isang epektibong pinuno ay isang inang nananalig sa Diyos para magabayan ito nang maayos
  • Sa ganitong paraan natin masasalamin ang mag-inang Coney Reyes at Vico Sotto
  • Lubos ang pasasalamat ni Coney sa Diyos at sa mga taong sumusuporta sa anak sa gitna ng mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine

Sa pamamagitan ng taimtim na paghingi ng gabay sa Diyos, napalaki ng inang si Coney Reyes ang anak nila ni Vic Sotto na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Laging nakasuporta si Coney sa kaniyang anak at tinitiyak na maayos na magagampanan ni Vico ang mga tungkulin nito bilang punong bayan ng kanilang lungsod.

Imahe mula sa Facebook page ni Vico Sotto

Kasalukuyang aktibo si Vico sa pagtupad ng kaniyang mga tungkulin lalo pa’t mahigpit na ipinatutupad ngayon ang enhanced community quarantine.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Coney ang video kung saan makikita si Vico na sa kabila ng pagiging abala nito sa pag-testing ng mga kagamitan sa city hall ay nagawa pa rin nitong magpatawa.

“Someone sent me this short video clip of my son. I thank God for his sense of humor (which I’m sure he got from his Papa) amidst all that we are experiencing as a people… as a nation,” pambungad ni Coney.

Ngunit bukod kay Vico, marapat ding kilalanin at pasalamatan ang mga taong sumusuporta at patuloy na kumikilos sa kaniyang tabi. Dahil dito, napapanahon din ang mensahe ng ginang upang bigyan ng lakas at katatagan ang mga tumutupad sa kani-kanilang tungkulin.

“Thank you so much to all the men and women who tirelessly work alongside Vico! Bilib ako sa inyo! Maraming salamat sa walang patid na tulong at suporta! God is your ultimate Rewarder!” dagdag pa ng ginang.

Pinasalamatan din ni Coney ang mga taong patuloy na nagdarasal para kay Vico at sa kaniyang mga kasama. Pinaalala rin niya sa lahat kung sino ang dapat nating panaligan sa ganitong panahon.

Mga imahe mula sa Facebook page ni Vico Sotto

“I would also personally like to thank all the people who continue to pray for Vico and his team! God bless us all and keep us in His loving care. God is our Refuge and Strength! Our ever-present help in times of need! Mga kapwa Filipino! Stay strong! Konti na lang ito, ‘di ba Lord?!” pagwawakas ni Coney.

Sana ay pakinggan ng Diyos ang panalangin ng isang ina.

Source :

Instagram

Loading…