Contractual, on-probation private workers kasama sa bibigyan ng P5,000 cash aid – DOLE

  • DOLE naglabas ng clarificatory guidelines hinggil sa P5,000 one-time financial assistance sa workers na apektado ng enhanced community quarantine
  • Ayon sa DOLE, makatatanggap ng cash aid ang worker anuman ang employment status nito
  • Nationwide ang coverage ng cash aid

Naglabas ng clarificatory guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) noong Huwebes ng gabi, ika-19 ng Marso, hinggil sa nauna nitong inanunsyo na P5,000 financial assistance sa private workers na apektado ng enhanced community quarantine.

Imahe mula sa Saksi Ngayon

“Affected workers, regardless of status (i.e. permanent, probationary, or contractual), are those employed in private establishments whose operations are affected due to the COVID-19 pandemic,” ayon sa advisory ng DOLE.

Ayon pa sa DOLE, nationwide ang coverage ng cash assistance na tinatawag na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Layunin ng CAMP na maibsan ang epekto ng pandemic sa kabuhayan ng mga apektadong manggagawa.

Sinabi ni Labor Secretary Bello na kaagad sisimulan ang pamamahagi ng one-time financial aid.

“Ang alam ko ngayon na kaagad,” anang kalihim sa isang panayam.

Nilinaw rin ni Bello na ang mga manggagawang makatatanggap ng cash aid ay ang nakalista sa payroll na isusumite ng mga employers sa DOLE.

Imahe mula sa MSN

Kailangang magsumite sa DOLE ang employers ng establishment report tungkol sa COVID-19 alinsunod sa Labor Advisory No. 9 Series of 2020 at company payroll para sa buwan bago ipinatupad ang flexible work arrangement o temporary closure upang ma-avail ng workers ang cash aid.

Samantala, pinuri ni Senator Joel Villanueva ang agarang aksyon ng DOLE sa apila ng mga “no work, no pay” private sector workers.

“We credit the labor department for its swift response to the issue. Our workers continue to push their luck by leaving their houses to go to work because they have to provide for their families,” anang senador na chairman ng Senate labor committee.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Loading…