COVID-19 testing kits na gawa ng UP scientists, aprubado na ng FDA

  • COVID-19 testing kits na na-develop ng UP scientists aprubado na ng FDA
  • Ang paglikha ng mga test kits ay pinondohan ng Department of Science and Technology
  • Nauna nang inamin ni Sec. Duque na ang kakulangan sa COVID-19 testing kits ay nagreresulta sa underreporting ng COVID-19 cases sa bansa

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ngayong Martes, ika-9 ng Marso, ang test kits na na-develop ng mga scientists sa University of the Philippines (UP) para gamitin sa pagkumpirma ng mga COVID-19 cases sa bansa.

Imahe mula sa Manila HealthTek, Inc.

Ang test kits na nilikha ng mga scientists mula sa UP National Institutes of Health (UP-NIH), ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ay gagamitin sa field testing, na sasamahan pa ng gene sequencing, sa Philippine Genome Center.

Ang test kits ay na-develop noong unang bahagi ng taon nang ilabas ng World Health Organization (WHO) ang buong genome sequence ng virus.

“The Food and Drug Administration today issued a Certificate of Exemption for the SARS-CoV-2 PCR Detection Kit,” pahayag ng FDA.

Ang SARS-CoV-2 ay ang opisyal na pangalang ng novel coronavirus na nagsasanhi ng 2019 coronavirus disease o COVID-19.

Ang paglikha ng mga test kits ay pinondohan ng Department of Science and Technology. Hindi pa ito naipamamahagi sa mga lokal na pagamutan habang hinihintay pa ang approval mula sa WHO.

Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, target ng ahensya na makapagsagawa na ang UP-NIH ng mga tests ngayong linggong ito.

Imahe mula sa CDC

Sinabi pa ng kalihim na tinitingnan ng WHO ang testing capabilities ng UP-NIH at lima pang sub-national reference laboratories kabilang ang Southern Philippines Medical Center in Mindanao, Vicente Sotto Medical Center sa Visayas, Baguio General Hospital sa Northern Luzon, at ang Lung Center of the Philippines sa Metro Manila.

“Ang WHO nagpadala ng mga eksperto para tulungan suriin ang kakayahan. Kung sila ay pumasa sa criteria, sila po ay pahihintulutan ng RTIM (Research Institute for Tropical Medicines) na magsagawa na ng testing,” sabi ni Sec. Duque.

Nauna nang inamin ni Sec. Duque na ang kakulalangan sa COVID-19 testing kits ay nagreresulta sa underreporting ng COVID-19 cases sa bansa.

Imahe mula sa PNA

Loading…