Covid-19 vaccine na ginagawa ng British scientists tagumpay ang resulta sa lab mice, human trials susunod na

  • Naniniwala ang mga British scientists na malapit na nilang malikha ang COVID-19 vaccine
  • Tagumpay ang resulta ng ginagawang vaccine sa mga daga sa laboratoryo
  • Posibleng simulan ang human clinical trials sa June ng kasalukuyang taon

Pakiramdam ng mga British scientists ay malapit na nilang malikha ang vaccine pangontra sa novel coronavirus na sanhi ng COVID-19. Ito ay matapos na magtagumpay ang ginawang testing sa mga daga sa laboratoryo.

Imahe mula sa Pixabay

“I’ve got results from a month after I injected (the mice) and the vaccine works really, really well,” pahayag ng senior researcher na si Dr. Paul McKay mula sa research team ng Imperial College London na pinangungunahan ni Dr. Robin Shattock.

Ani Dr. McKay, posibleng masimulan ang human trials sa June ngayong taon, subalit nilinaw niya na maaaring abutin pa ng isang taon bago magamit ang vaccine sa mga pasyente.

Ito naman ang pahayag ni Dr’ Shattock hinggil sa ginagawang COVID-19 vaccine: “We have the technology to develop a vaccine with a speed that’s never been realized before. We have successfully generated our novel coronavirus vaccine candidate in the lab, just 14 days from getting the genetic sequence to generating the candidate in the lab.”

Sa kasalukuyan, ang team ay nakikipagtulungan sa mga scientists sa Paris upang alamin kung epektibo sa mga unggoy ang vaccine.

Imahe mula sa Pixabay

Nag-request na umano sila sa Medical Research Council ng karagdagang pondo upang makapagsagawa ng human clinical trials.

“If we get the funding for the human clinical trials, we will put it into people by June,” saad ni Dr. McKay.

“If British scientists here develop a vaccine it would be great if the Government supported it,”dagdag pa ng senior researcher.

Umabot na sa mahigit 140,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo simula nang sumulpot ang outbreak sa China noong Disyembre ng nakaraang taon. Nasa 72,000 na ang mga pasyenteng nakarekober mula dito, samantalang 5,000 na ang mga sinawimpalad, ayon sa pinakahuling tala ng World Health Organization.

Imahe mula sa Medscape
Source :

Standard

Loading…