Dahil out of stock na, senior citizen gumawa ng face mask para sa asawa at sa kapwa nito dialysis patients

Imahe mula sa Facebook | Melissa Contreras Miguel
  • Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang senior citizen na nananahi ng face mask para sa asawa niya at sa mga kagaya nitong nagda-dialysis
  • Out of stock na kasi ang mga face mask kaya nagdesisyon na si Tatay Ricardo na gumawa na lamang
  • Sabi ng mga netizens, masaya sila na sa panahon ng kalamidad ay hindi nawawala ang bayanihang Pinoy

Naantig ang netizens sa kuwento ng isang senior citizen na gumawa ng face mask upang may magamit ang asawa at iba pa na sumasailalim sa dialysis.

Imahe mula sa Facebook | Melissa Contreras Miguel

Ibinahagi ng GMA Public Affairs ang larawan ng 63 anyos na si Tatay Ricardo habang nananahi ng ng face masks. Dahil out of stock na ang mga face mask ay nagdesisyon na siyang magtahi para sa asawa.

“Ayon sa uploader ng photo, sinubukan daw gumawa ng kaniyang tatay ng face mask para sa kanyang nanay na nagda-dialysis dahil out of stock na ang mga face mask sa mga tindahan. Dahil gumagawa na rin lang naman siya nito, isinabay na rin ni Tatay Ricardo gawan ‘yung kapwa dialysis patients ng asawa niya,” sabi ng GMA Public Affairs.

Bumuhos naman ang pasasalamat para kay Tatay Ricardo. Sa ngayon ay may 7k reactions na ito.

“Nakatataba po ng pus0 ang mga katulad ninyo na may malasakit sa kapwa. Sana po ay dumami pa ang mga katulad ninyo. Maraming salamat po,” sabi ni N. Solado. Dagdag niya, hiling niya ang kagalingan ng asawa ni Tatay Ricardo at ng iba pang may mga karamdaman.

Imahe mula sa Facebook | Melissa Contreras Miguel

Sabi naman ni E. Burgos, sana raw ay maantig din ang mga negosyanteng namakyaw ng mga face mask upang ibenta ito sa mas mataas na halaga.

Ang isa pang netizen, ikinatuwa na kahit may mga mapagsamantalang Pilipino sa panahon ng kalamidad, mayroon pa rin namang mga kagaya ni Tatay Ricardo na pagtulong pa rin sa kapwa ang iniisip.

“Sa mga ganitong pagsubok ay lumalabas ang bayanihan ng mga Pinoy! Mabuhay po kayo,” sabi ni U. Padilla.

Maraming salamat, Tatay Ricardo!

Source :

Facebook

Loading…