DILG sa mga trabahador na gusto pang umuwi sa probisnya nila: “Huwag nang magmatigas na umuwi sa probinsya”

  • Nanawagan ang DILG sa publiko na huwag nang piliting umuwi sa probinsya dahil sa ECQ
  • Maaari daw kasing sa paglalakad nang mahaba ay makakuha ng C0VID-19 at madala sa pamilya nila
  • Mas makabubuti raw na manatili muna kung saan naroroon ang mga mamamayan para maiwas ang pagkalat ng karamdaman

Kalat sa social media ang mga balitang maraming manggagawa mula sa Kamaynilaan ang naglalakad ngayon pauwi sa kani-kanilang pamilya sa mga probinsya. Inaabot ng araw hanggang ilang linggo ang paglalakad ng iba dahil walang anumang masakyan sa mga terminal ngayon dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).

Dahil dito, isang panawagan ang ginawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga patuloy pa rin ang pag-uwi sa kani-kanilang lalawigan. Ayon sa ahensiya, hindi naman daw sa ayaw nilang makapiling nito ang kanilang mga kaanak, ngunit lubhang mapanganib ang ginagawa nilang i-expose ang sarili sa virus sa mahabang oras ng paglalakad.

Larawan mula sa PNA

“Huwag nang magmatigas na umuwi sa probinsya. Any person is a potential carrier. Gugustuhin mo bang magdala ng sakit sa inyong lugar?” sabi ni DILG Spokesperson at Undersecretary na si Jonathan Malaya sa panayam sa GMA News.

Dagdag pa ni Malaya, ang mga naglalakad raw at nagbabakasakali ng masasakyan ay dagdag pa sa intindihin ng mga local government units (LGUs) ang mga ito na dumaraan sa napakaraming checkpoint sa bansa.

“Ang dami pa ring nagsisiuwian sa mga probinsya. Minsan, naglalakad. Sumasakay sa mga truck na walang laman, maraming stranded. Hirap na hirap ang mga LGUs. Yung iba tumatanggap ng stranded, yung iba hindi,” dagdag ni Malaya.

Batid ng DILG ang mga balitang marami ang naglalakad pauwi sa kanilang mga lalawigan lalo na ang mga papuntang Quezon at Bicol. Marami sa mga naglalakad ay ginagawang gabay pauwi sa kanila ang riles ng Philippine National Railway (PNR).

Larawan mula sa PNA

Samantala, muling sinabi ng DILG na hindi totoo ang balita ng total lockdown sa buong bansa. Hindi rin umano totoo ang balita na magkakaroon ng extension ang ECQ. Ayon sa DILG, pag-aaralan pa raw ng Department of Health (DOH) kung mae-extend at ibabase raw ito sa datos na makakalap kung pababa o pataas ang mga kaso sa bansa matapos ang isang buwang ECQ.

“Ang magdedesisyon kung mali-lift nang maaga o mae-extend ay depende sa DOH. Dapat evidence-based, pababa na ang positive cases at community transmission,” sambit ni Malaya.

Source :

GMA News, Twitter

Loading…