DILG Sec Año, nakiusap sa kompanya na ibigay nang maaga ang 13 month pay ng mga manggagawa

Imahe mula sa PIA
  • Nais ng gobyerno na maagang ibigay ang 13th month pay ng mga manggagawang epektado ng community quarantine sa Metro Manila
  • Nakiusap din sila sa mga pribadong kompanya na bigyan ng work schedule ang mga empleyado na makatutulong sa social distancing
  • Ang mga ito ay upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa bansa

Iminungkahi ng gobyerno sa mga kompanya na ibigay nang maaga ang 13th month pay ng mga manggagawa na maaapektuhan ng community quarantine sa Metro Manila hanggang sa April 14.

Imahe mula sa DILG MIMAROPA

Sabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, magagamit ang benepisyong ito bilang panggastos ng ilan na hindi makapagtatrabaho. “Kung puwede magamit na yung 13th month pay pambayad dito sa isang buwan na hindi magtrabaho,” sabi niya.

Naghain ng resolusyon ang mga mayor sa Metro Manila hinggil sa pansamantalang pagsasara ng mga shopping mall upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. “Sa ganitong panahon sino pa ba ang mag sho-shoping ng bagong damit at bagong sapatos? Hindi ‘yan kailangan, hindi ‘yan priority,” sabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Upang masunod ang social distancing, nakiusap din si Año sa mga pribadong kompanya na i-adjust ang work schedule at payagan ang mga empleyado na gamitin ang kanilang mga leave.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

“Ine-encourage namin ang employers kung pwede mag-adjust sa work schedule,” sabi ni Año. “Pangalawa, kung pupuwede, gamitin na mga leaves, privileges ng kanilang mga trabahante para mabawasan na yung aalis ng bahay.”

Naglabas na ang Department of Transportation ng mga guideline na dapat sundin habang nasa ilalim ng community quarantine ang buong Luzon.

Sa mga UV Express van, dapat daw hindi tataas sa anim ang bilang ng mga pasahero. Sa jeep naman, hindi puwedeng lumampas sa kalahati ng kapasidad nito ang bilang pasahero. Samantala, 25 lamang, kabilang ang driver at kundoktor, ang maaaring sumakay sa bus. Kailangan din umupo ang mga pasahero ng one seat apart.

Bukod dito, suspendido na rin ang mga klase sa lahat ng antas sa mga eskwelahan.

Loading…