Dishwashing liquid, naipamprito sa mga hotdogs dahil napagkamalang mantika

  • Makikita sa isang Facebook page ang nakaaaliw na mga larawan
  • Naipamprito kasi ng isang nagluluto ang dishwashing liquid na inakala niyang mantika
  • Sayang tuloy ang iniluto niyang mga hotdogs

Naranasan mo na bang makapagprito ng pagkain gamit ang dishwashing liquid dahil napagkamalan mo itong mantika?

Kung oo, tiyak na “relate–much” ka sa mga larawang ibinahagi sa Facebook page na “Ilocano Phrases”kung saan makikitang naipamprito ng hotdog ang dishwashing liquid na kakulay ng mantika. Naisama kasi ito sa lalagyanan ng mga condiments kaya inakalang ito ay mantika. Mabuti na lamang at nakita kaagad ito ng di–kinilalang uploader.

Imahe mula sa Facebook page ng Ilocano Phrases/Public Domain Image

Ayon sa caption na nasa wikang Ilokano, “O… jay nakikabil datuy dishwashing liquid dituy kunak nu mantika. Apay ngata agbulbula kunkunak metlangnen (Sino naglagay rito ng dishwashing liquid,  akala ko mantika, kaya bakit kaya bumubula na).”

Natawa naman ang mga netizens at nag–iwan sila ng mga komento hinggil dito.

“OA. The moment you pour that dishwashing liquid sa pan, you will immediately know it’s not oil. Pwede ba. They have different consistency,” pambabara ng isa.

Turan naman ng isa, “Para daw po malinisan nang mabuti yung hotdog, saka pagkatapos magprito, tubig na lang kulang para hugasan, para daw iwas sa COVID–19 hahaha.”

“Aba, sosyal naman ito… so may ‘bubbly hotdog’ ka na, double purpose, nabusog ka na, nahugasan pa ang pinaglutuan mo hehehe. Pero sayang naman yung hotdog, paano kung iyon na lang ang ulam niya? Itatapon pa niya hehehehe,” komento naman ng isa.

Well, kung lutang moments ang nagluluto at may ibang iniisip, posible ngang hindi niya mapansin ang naibuhos niya?

Imahe mula sa Facebook page ng Ilocano Phrases

Ang dishwashing liquid o tinatawag ding washing-up liquid ay isang detergent o cleaning agent na ginagamit sa paghuhugas ng mga pinagkainang pinggan, kubyertos, baso, at mga kasangkapang pangkusina tulad ng kutsilyo, kaldero, kawali, kaserola, kawa, chopping board, at marami pang iba.

Bukod dito, maaari din itong gamitin bilang stain removal, panlinis sa mga outdoor furnitures, at pampaligo sa mga alagang hayop na nahulugan ng langis o oil-spills.

Kaya naman ang post na ito ay magsilbi sanang babala na itago o tabi ang mga bagay–bagay sa mga angkop nitong puwesto o lalagyan.

Loading…