Divine Geronimo, sinabi noon sa isang pahayag na ayos lang siya maging kontrabida sa anak na si Sarah para sa kapakanan nito

  • Kumakalat ngayon ang naging pahayag daw noon ni Divine Geronimo, nanay ni Sarah Geronimo
  • Ayon kay Mommy Divine, ayos lamang daw na maging kontrabida siya sa mga anak
  • Paraan niya raw ito ng pagdidisiplina at upang maging mabuting tao ang kanyang mga anak

Naging malaking usapin sa bansa ang diumano’y pagharang ni Divine Geronimo sa kasal ng anak na si Sarah sa kapuwa Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli. Hindi malinaw ang tunay na nangyari dahil iba-iba ang kuwento pero marami ang nagsasabi na tutol daw talaga si Mommy Divine sa pagpapakasal ng anak.

Matapos kumalat ang balitang ito, iba’t ibang istorya na tungkol sa umano’y pagiging stage mom ni Divine sa karera ng anak na isa sa pinakasikat na artista ngayon sa showbiz.

May lumabas na balitang hinarang niya umano ang pag-eere ng isang guesting ni Sarah sa talk show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV) dahil hindi niya nagustuhan ang pagtatanong dito.

Larawan mula sa YouTube

Ngayon naman, muling kumakalat online ang naging pahayag daw noon ni Mommy Divine sa isang magasin na ayos lang daw na maging ‘kontrabida’ siya sa anak basta raw maipakita niya rito ang mga tamang gawi at hindi niya mapabayaan ang mga ito.

Aminado ang nanay ni Sarah sa nasabing panayam na talaga raw nagsasalita siya sa kanyang mga anak at madalas ay nagiging kontrabida siya rito. Pero ayos lang daw ‘yon sa kanya dahil para naman daw iyon sa ikabubuti ng anak.

Mas tanggap na raw ni Mommy Divine na madalas ay kontra siya sa gusto ng mga anak kaysa naman daw magmukhang pinababayaan niya ang mga ito. Pinaninindigan daw ni Mommy Divine ang pagiging istrikta kaysa naman mabansagan siyang pabaya.

“Hindi kami nagkukulang sa pagsasalita, lalo na ako. Okay lang iyon, kahit kontrabida ako… Na ikaw kasi, pinabayaan mo. At least, wala akong pagsisisihan in the end na nagkulang ako…” pahayag ng ina ng Popstar Royalty.

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Geronimo

“Obligasyon ng mga magulang ang mga anak e. Kung ano’t ano ang mangyayari riyan, mas una pang mamatay ang ina kaysa anak,” pahayag pa raw noon ni Mommy Divine.

Humarap na sa publiko si Sarah at balik-trabaho na ito matapos ang kontrobersyal na kasal. Gayunman, tikom pa rin ang bibig nila ni Matteo sa kung anuman ang nangyari noong Pebrero 20, gabi ng kanilang kasal.

Source :

Bandera, Bulgar

Loading…