DOH pinabulaanang prayoridad nila ang mga politiko para sa C0VID-19 testing

  • Kinontra ng DOH ang alegasyong prayoridad nila ang mga government officials pagdating sa C0VID-19 testing
  • Ayon na mismo kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, karamihan ng mga naitalang personalidad na nagpa-test ay qualified para sa testing
  • Sinabi pa nito na hindi nila pinababayaan ang PUI at mayroon ding mga opisyal na nakapila pa hanggang ngayon para sa nasabing test

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang alegasyon ng maraming netizens na binibigyan nila ng prayoridad ang mga kilalang personalidad sa politika pagdating sa C0VID-19 testing.

Imahe mula sa DZBB Teleradyo | Twitter

Sa ulat ng GMA News, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa kaniyang panayam pra sa DZBB Super Radyo na karamihan sa mga naitalang personalidad na nagpa-test ay pasok sa kanilang criteria at qualified para sa testing.

“Gusto ko lang linawin, hindi napapabayaan ‘yung ating PUIs. Lahat naman inaasikaso,” ayon sa opisyal.

“’Yun pong mga sinasabi nilang na-test na mga high level officials, most of them pumasok sa criteria namin. May exposure sila, nakapag-travel sila so they were tested,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa opisyal ng DOH, marami pa ring mga politiko ang may pending request para makapag-test at kasalukuyang nakapila para rito.

“Meron pa rin naman ho mga officials natin ngayon nagre-request pa rin na i-test sila, pinagbibigyan naman natin pero na nakapila po sila,” sabi ni Vergeire.

Hiningi rin nito ang pag-unawa ng publiko tungkol sa pagpapa-test ng ibang opisyal sa pamahalaan para umano sa “national security reasons.”

“Kailangan din intindihin ng ating mga kababayan na meron tayong ginagawa for national security reasons,” paliwanag niya.

Imahe mula sa Department of Health | Facebook page

“Meron naman po talagang mga tao na iti-test namin talaga because of national security reasons, high officials in the government na specific lang. I am not saying everybody,” aniya.

Sa hiwalay na pahayag ng DOH, iginiit ng ahensiya na wala silang VIP treatment pagdating sa C0VID-19 testing.

“The DOH assures the public that there is no policy for VIP treatment and that all specimens are being processed on a first-in, first-out basis. With courtesy accorded to officials holding positions of national security and public health,” ayon sa DOH.

Loading…