DOJ nag-iba ang himig, iimbestigahan umano ang pagpunta ni Sen. Koko Pimentel sa Makati Med

Imahe mula sa PCOO
  • Nag-iba ang himig ni Justice Secretary Menardo Guevarra tungkol sa pagpunta ni Sen. Koko Pimentel sa Makati Med kahit isa siya noong person under investigation
  • Noong una ay sinabi ni Guevarra na saka lamang iimbestigahan si Pimentel kapag may naghain ng reklamo
  • Pangako ni Guevarra, dadaan sa imbestigasyon ang nangyari ‘in exactly the same way that the DOJ handles all other cases brought before it’

Matapos bahain ng pagsalungat mula sa mga netizens, tila nagbago ang himig ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sinabing iimbestigahan na ang kas0 ni Sen. Koko Pimentel “in exactly the same way that the DOJ handles all other cases brought before it.”

Imahe mula sa Instagram | Koko Pimentel

Matatandaang ikinagalit ng mga netizens ang naunang pahayag ni Guevarra na iimbestigahan lamang nila ito kapag may naghain ng reklamo.

“As I have said before, during abnormal times like these, when people are prone to commit mistakes or violations of the law, the DOJ will temper the rigor of the law with human compassion,” sabi ni Guevarra sa kaniyang pahayag.

Binatikos si Pimentel matapos niyang samahan ang asawang si Kathryna Yu Pimentel sa Makati Med dahil nakatakda itong manganak. Habang naroon ay nakatanggap daw ng tawag ang senador mula sa RITM na positibo siya sa COVID-19.

Tinawag ng Makati Med na “irresponsible and reckless” ang ginawang ito ni Pimentel dahil maaaring bumaba pa ang bilang ng mga healthcare workers na mayroon sila dahil kakailangin ng mga ito na sumailalim sa quarantine.

Imahe mula sa Instagram | Koko Pimentel

“As a result, a number of our nurses and doctors may need to be quarantined which will further deplete the dwindling workforce of the h0spital,” sabi sa pahayag na pinirmahan ni Medical Director Dr. Saturnino Javier.

“We denounce the irresponsible and reckless action of the senator. He added to the burden of a h0spital trying to respond in its most competent and aggressive manner to cope with the daunting challenges if this COVID-19 outbreak.”

Kalaunan ay humingi naman ng paumanhin si Pimentel. Hinimok din ni Javier ang Makati Med community na mag-“move forward” na at ilaan ang enerhiya sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Loading…