DOJ wala muna umanong gagawing aksiyon hangga’t walang pormal na reklamo laban kay Senator Koko Pimentel

  • Wala pa umanong maaaring gawing aksiyon ang DOJ kay Senator Koko Pimentel hangga’t walang nahahain na pormal na reklamo laban sa kaniya
  • Una nang ipinahayag ng Makati Medical Center sa social media ang tahasang pagpunta ni Senator Koko Pimentel sa delivery area ng hospital kahit ito ay dapat naka-home quarantine pa
  • Depensa ng senador, agad siyang umalis ng ospital matapos niyang malaman na positive ang resulta ng kaniyang test sa C0VID-19

Hindi pa umano puwedeng umaksiyon ng Department of Justice (DOJ) tungkol sa isyu ng hinihinalang paglabag ni Senator Koko Pimentel sa home quarantine protocol na itinalaga ng Department of Health (DOH).

Imahe mula sa Facebook page ni Senator Koko Pimentel

Iginiit ng DOJ na mas pinaiiral nila ngayon ang batas na may kasamang “human compassion.”

“As I have said before, during abnormal times like these, when people are prone to commit mistakes or violations of the law, the DOJ will temper the rigor of the law with human compassion,” sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa kaniyang mensahe sa mga reporter, ayon na rin sa ulat ng GMA.

“But this is not to say that the DOJ will not act upon the filing of a proper complaint by any interested party,” dagdag niya.

Wala umano silang maaaring gawin dahil wala pa namang pormal na reklamo tungkol sa umano’y paglabag ng nasabing senador.

Una nang ipinahayag ng Makati Medical Center sa social media ang tahasang pagpunta ni Senator Koko Pimentel sa delivery area ng hospital kahit ito ay dapat naka-home quarantine pa.

Ayon sa hospital, dinala ng senador ang kaniyang nagdadalantaong asawa upang doon magsagawa ng cesarean section.

Dahil umano sa pagpasok niya sa ospital at hindi nito pagsasabi ng katotohanan tungkol sa resulta ng kaniyang COVID-19 test, mas maraming health workers ang na-expose sa virus na siyang pinakainiiwasan ng lahat na mangyari.

Imahe mula sa Makati Medical Center | Facebook page

Depensa naman ni Senator Koko Pimentel, agad siyang umalis ng ospital matapos niyang malaman na positive ang resulta ng kaniyang test para sa C0VID-19.

Nilimitahan na rin umano niya ang kaniyang kilos simula pa noong March 11.

Loading…