Don Bosco Technical College, namigay ng mga improvised medical gears sa mga ospital

  • Gumawa at namahagi ng mga improvised medical gears ang mga taga–Don Bosco Technical College
  • Ilan sa mga ito ay face shields, face masks, at acrylic boxes
  • Bumaha ng pagsuporta mula sa mga mag–aaral, mga magulang, at alumni ang naturang proyekto na umabot din sa ibang bansa

Sa panahon ng pangangailangan, talagang lumilitaw at lumalabas ang isa sa magagandang katangian ng mga Pilipino: ang bayanihan. Walang maliit o malaki, mapa–pinansyal, emosyunal, serbisyo, at entertainment, indibidwal, grupo, kompanya, at iba pang mga sektor, lahat ng iyan ay pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.

Isa sa mga paaralang nangunguna sa pagmamalasakit sa mga frontliners ang “Don Bosco Technical College” sa pamamagitan ng paggawa at pamimigay ng mga improvised medical gears tulad ng mga face shields, face masks, at acrylic boxes sa mga ospital. Makikita ito sa Facebook post ng isa sa mga opisyal ng paaralan na si Father Chito Dimaranan.

Imahe mula sa Facebook account ni Father Chito Dimaranan

“Dear Bosconians, Parents and Alumni, Let us help each other make cheap DIY face masks. If you have any of the following that are unused, please bring them over to Don Bosco. You can just leave them at the gate,” panawagan ni Father Chito sa kaniyang Facebook post.

Upang makabuo ng improvised face shields at iba pang mga medical gears, kinakailangan nila ang mga sumusunod na mga kagamitan: anumang uri ng mumurahin at generic na soda bottle (Coke litro o mas malaki pa), anumang uri ng aluminum can, carbon activated charcoal, cotton balls, duct tape, at electrical tape.”

Sa magkakahiwalay na Facebook post, ipinakita ng pari ang ilang mga mag–aaral at kawani ng paaralan na matiyagang nananahi ng mga face shields upang maipadala na sa mga ospital. Ilan sa mga ospital na nabigyan ng libreng biyayang ito ay ang Mandaluyong Medical Center, Philippine Orthopedic, Philippine General Hospital at Makati Medical Center.

Napadalhan din nila ang Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, Amang Rodriguez Hospital at iba pang mga ospital.

Labis–labis naman ang pasasalamat ni Father Chito sa lahat ng mga tumulong at nagbigay ng donasyon para sa kanilang proyekto. Hindi lamang kasi sa Pilipinas umabot ang kanilang mga ginawang face shields, face masks, at acrylic boxes kundi maging sa ibang bansa.

Imahe mula sa Facebook account ni Father Chito Dimaranan

“Grateful for the gift of Bosconian fraternity all over the world. As of today, March 28, 11:00 AM, we have either given away or earmarked 1,700 plus face shields to 14 hospitals and other places in Metro Manila. Requests are coming in from Tarlac, Bulacan, Navotas, Taguig, Cagayan de Oro and even Virginia, USA. Thankfully, donations, mostly from former students of mine and friends from near and far, are pouring in,” ayon sa pari.

Bumuhos din naman ang papuri at pasasalamat ng mga natulungang frontliners at mga netizens na nabigyang–inspirasyon ng mga taga–Don Bosco.

Mabuhay po kayo! Nawa ay tularan kayo ng iba!

Loading…