‘Don’t touch MEN,’ payo ng DOH para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19

Imahe mula sa Unsplash
  • Nagpaalala ang Department of Health na huwag hawakan ang MEN – mouth, eyes, at nose, upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19
  • Kailangan din daw palakasin ang resistensya sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain
  • Ingatan din daw ang mga mas nakatatanda dahil sila ang mas vulnerable dito

Sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa ay nagbigay ng payo ang Department of Health (DOH) sa publiko upang huwag mahawaan nito.

Imahe mula sa Unsplash

“Do not touch MEN. Ibig sabihin noon mouth, eyes, at saka nose,” sabi ni Health Secretary Francisco III sa isang panayam sa DZMM Teleradyo.

Nang tanungin kung bakit pati mata ay hindi dapat hawakan, ipinaliwanag niyang maaari kasing magkaroon ng impeksy0n dito kung sakali.

“Siyempre puwede kang magkaroon ng impeksy0n dahil nag-iintroduce ka ng virus so posibleng maging pamamaraan din iyan ng pagpasok ng virus,” paliwanag niya.

“’Wag magkakalikot ng kung anu-ano dahil may pag-aaral diyan, 90 times a day, hindi natin alam, iyon ang ginagawa natin. Nangungulang0t tayo, nagkukuskos ng mata, ng labi. Huwag na kayong kalikot nang kalikot sa kahit anong butas sa inyong mukha,” sabi niya.

Imahe mula sa Unsplash

Bukod dito, dapat din daw palakasin ang resistensya sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain upang makaiwas sa COVID-19.

“Okay ang Vitamin C. Maraming mga pag-aaral na nagpapatunay na ito ay epektibo. Maraming tubig ha, importante ‘yan. Kumain ng masustansiyang pagkain, yung mayayaman sa minerals,” sabi niya.

Hindi raw kagaya ng SARS o MERS-CoV, iba-iba raw ang kas0 ng NCOV-19. “Ito kasi iba iba, 82 percent ay mild; yung iba magiging serious, mga 15 percent; ‘yung iba ang critical, kung saan ang ilan puwedeng pumanaw,” aniya.

Pinaalalahanan din niya ang publiko na bigyang pansin ang mga mas nakatatanda dahil sila ang mas at risk sa COVID-19. “Pwede itong magdulot ng malubhang komplikasyon na pwedeng makamatay lalo na sa mga vulnerable na population, yung matatanda, sila ang binabantayan at inaalagaan natin,” dagdag ni Duque.

Source :

YouTube

Loading…