Drew Arellano humingi ng paumanhin sa kontrobersyal niyang tweet tungkol sa tao at COVID-19

  • Drew Arellano humingi ng paumanhin sa kontrobersyal niyang tweet
  • Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang sinabi niyang ang tao ang “virus” at ang COVID-19 ang “cure”
  • May nagtanggol naman kay Drew na nagsabing kung pakaiintindihin ay may katuturan ang sinabi ng TV host

Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang kontrobersyal na pahayag ni Drew Arellano, isang GMA Network TV host, sa Twitter tungkol sa COVID-19 at dahil doon ay humingi siya ng paumanhin.

Imahe mula sa Balita

Sa Twitter account niya, sinabi ni Drew na tayong mga tao ang virus at ang COVID-19 ang lunas.

“We are the virus and COVID’s the cure, really,” tweet ng host ng educational show na AHA!

Nagbigay ng komento sa kontrobersyal na tweet ni Drew Arellano ang spoken word artist na si Juan Miguel Severo na hindi dapat palabasin na isang magandang bagay ang COVID-19.

“Drew, I know the human race sucks but let’s not paint this virus as a good thing,” sabi ni Severo na isa ring aktor.

“It’s insensitive to those who’ve lost loved ones. You’re the father of very beautiful children. Can you tell that to someone who’s lost his son to COVID-19?” dagdag pa ni Severo.

“Drew, may mga taong namatay sa COVID-19. May mga pamilyang nawalan ng nanay, ama, mga anak. Napaka-insensitive ng pahayag na ito mula sa isang family guy,” komento naman ng isa pang Twitter user.

Screenshot ng tweet ni Drew

Inalis na ni Drew ang kontrobersyal niyang tweet at humingi ng paumanhin.

“My apologies for the tweet. It was insensitive. Hoping everyone is fine on their end,” aniya.

May ilan namang nagtanggol kay Drew. Naintindihan umano nila ang nais niyang ipunto sa nasabing tweet at kung pakaiintindihin nang maigi ay may katuturan daw ang sinabi ng TV host.

Screenshot ng tweet ni Drew

“Your tweet has been taken out of context by a lot of netizens. Can’t blame them because of the current situation we’re in. But I totally get your point. My friend has the same analogy and here’s exactly what he said: “Tayong mga tao ang virus ng earth. At ang antibodies ng earth ay ang mga virus na umaatake sa tao.” I know that saying something like this might trigger a lot of negative reactions. But if you read between the lines you’ll know why this somehow makes sense,” sabi ng twitter user na si Brenda.

Source :

Twitter, Philstar

Loading…