Eat Bulaga, ipinatigil muna ang pagtanggap ng live audience bilang pag-iingat sa COVID-19

Imahe mula sa Facebook | Eat Bulaga
  • Hindi muna tatanggap ng live audience ang noon-time show na Eat Bulaga upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19
  • Pinag-usapan daw ito ng management ng show bilang pag-iingat na rin sa kalusugan ng mga tao sa likod nito
  • Sa kabila nito, sinigurado naman nila na patuloy pa rin ang kanilang show sa pagbibigay ng saya sa mga audience

Itinigil muna ng noon-time show na Eat Bulaga ang pagtanggap ng live audience sa kanilang programa sa gitna ng banta ng pagkalat ng COVID-19. Nakataas na ang state of public health emergency sa bansa sa kasalukuyan.

Imahe mula sa Facebook | Eat Bulaga

“In view of the COVID-19 outbreak in the Philippines, which has placed the country in a state of public health emergency, the management of Eat Bulaga has decided to temporarily suspend the admission of a live studio audience in the airing of its show, to help prevent the spread of the virus and to ensure the health and safety of its talent, staff, crew, and members of its audience,” sabi nila sa kanilang opisyal na pahayag.

Humingi rin sila ng pang-unawa at kooperasyon sa kanilang desisyon.

“Please understand that this decision was made after extensive and careful consideration in order to cooperate with government efforts to contain the spread of COVID-19,” sabi nila sa kanilang pahayag. “Araw-araw pa rin po kaming maghahatid ng isang libo’t isang tuwa sa inyong mga tahanan. Ingat po tayong lahat, Dabarkads!”

Imahe mula sa Facebook | Eat Bulaga

Linggo nang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na may 10 kas0 na ng COVID-19 nang makapagtala sila ng apat na bagong kas0 nito.

Sinigurado rin nila na ginagawa na ng DOH ang lahat ng kanilang makakaya upang mapigilan ang pagkalat nito.

“DOH is currently in coordination with concerned Local Government Units and the Centers for Health Development for localized response and implementation of infecti0n prevention and control measures,” sabi nila sa kanilang pahayag.

Loading…