Ellen Adarna, nagbahagi ng ilang detalye kung paano niya naalpasan ang depresyon

  • Nagsalita na ang aktres na si Ellen Adarna hinggil sa dahilan kung bakit kinailangan niya ng mental training
  • Sa mga nakalipas na taon, nanahimik si Ellen hinggil sa kaniyang personal na buhay mula nang maugnay sa aktor na si John Lloyd Cruz
  • Wala mang ibinahagi tungkol sa aktor, tiniyak ni Ellen na nasa mabuti na siyang kalagayan matapos maalpasan ang matinding kalungkutan

Halos tatlong taon ding nanahimik hinggil sa kaniyang personal na buhay ang aktres na si Ellen Adarna na huling napanood sa telebisyon bago matapos ang 2017 at matapos na maugnay sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Imahe mula sa Facebook page ni Ellen Adarna

At sa panahon ng kaniyang pananahimik sa showbiz, maraming napagdaanan ang aktres na nagdulot sa kaniya ng matinding kalungkutan.

“I was just also very sad. I was in a very dark place for two years, almost three years. I thought I wasn’t going to snap out of it… It was that bad,” paliwanag ni Ellen sa isang video na ibinahagi niya sa Instagram.

Gayunman, naalpasan na ito ni Ellen at tiniyak niyang nasa mabuti nang estado ang kaniyang kalagayan.

“By the way, I am 101% okay now. No more meds and sadness… just love and smiles. I am out of the black hole,” ayon sa caption ni Ellen sa ipinaskil na video.

Malaki ang naitulong sa kaniya ng pagpunta sa Bali, Indonesia kung saan sumailalim siya sa Kokoro Program. Sa programang ito, si Ellen ay dumanas ng iba’t ibang pisikal, mental, at emosyonal na pagsasanay upang bumuti ang kaniyang kalagayan.

Sa paliwanag ni Elllen, ang “Kokoro” ay salitang Hapon na ang kahulugan “connecting the mind, body, and spirit or soul.”

Sa mga huling Instagram post ni Ellen, ibinahagi niya ang tungkol sa mga pinagdaanan niyang training sa tulong ng kaniyang mentor na may username na na.sser7490 sa Instagram

Imahe mula sa Facebook account ni Ellen Adarna

Sa loob halos ng tatlong taon, naging pribado ang buhay ni Ellen. Hindi siya nagsasalita sa publiko hinggil sa naging relasyon nila ni John Lloyd at sa kanilang anak. Maging sa latest video niya, wala rin siyang binanggit tungkol sa mga ito.

Sa Abril 2 ay magdiriwang si Ellen ng ika-32 kaarawan at ang kaniyang paggaling ay isang napakagandang birthday gift na kaniyang matatanggap.

Source :

Instagram

Loading…