Epekto ng ECQ! Nakatikim ka na ba ng “sardinas con yelo” at “noodles tea”?

  • Nagdulot ng katatawanan sa social media ang “sardinas con yelo” at “noodles tea”
  • Hindi matukoy kung sino–sino ang mga orihinal na uploader nito ngunit good vibes ang hatid nito
  • Marami sa mga netizens na nasa kani–kanilang mga tahanan ang nakararamdan ng pagkabagotkaya nakaiisip na “mag–eksperimento” ng mga bagong pagkain

Sa panahon ng enhanced community quarantine, marami sa mga netizens na nasa kani–kanilang mga tahanan ang nakararamdan ng pagkabagot. Bukod sa panonood ng Netflix, pagpapacute sa TikTok, paggawa ng iba’t ibang video at memes, libangan din ng iba na mag–eksperimento ng mga pagkain batay sa nakukuha nilang relief goods o stock na nabili para sa bahay.

Kaya naman, kinatuwaan ng mga netizens ang kumakalat na mga larawan sa social media kung saan makikita ang mga “pinaglaruang” pagkain, gaya ng “sardinas con yelo” at “noodles tea”, bagama’t hindi matukoy kung ito ba ay totoong kinain ng hindi nakilalang mga uploaders.

Public Domain Image

Makikita sa larawan ng sardinas con yelo na ito ay hawak ng gumawa nito, at ang ginamit na sardinas na nilagyan ng ginadgad na yelo (katulad ng haluhalo) ay chili flavor o maanghang pa. May toppings din ito ng sardinas sa ibabaw, kumbaga, parang leche flan o ube. Kakasa ka bang kainin ito?

Habang ang isang larawan naman na ibinabahagi sa Twitter ay noodles na ginawang malamig na tsaa o tea, dahil nga uso sa kasalukuyan ang pagtangkilik sa milk tea. Kaya mo bang inumin ito?

“Benta” naman ito sa mga netizens na kahit paano ay nakaramdam ng “good vibes” sa mga larawan. Nagkomento sila hinggil dito.

“Wow.. kakaiba hahaha… sino na namang walang magawa ang nakaisip niyan?” sabi ng isa.

“Ang mga Pinoy talaga kung ano–ano ang naiisip kapag naiinip. Pero ayos na rin iyan, kaysa naman sa mga taong walang ginawa kundi magrelakmo sa gobyerno. Maging malikhain na lamang para hindi mabuwang sa bahay!” turan naman ng isa.

“Tatak–Pilipino talaga. Resiliency at it’s best hahaha,” pahabol naman ng isa.

Public Domain Image

Sa pagpasok ng tagtuyot ngayong Abril, inaasam–asam na ng lahat na matapos na ang krisis ng COVID 19 dahil panahon na ito ng bakasyon, pagliliwaliw, at pagkain ng mga masasarap na dessert gaya ng haluhalo, saging con yelo, mais con yelo, at marami pang iba. Marami na rin ang nakaka–miss sa mga milk tea.

Loading…