ER doctor, nagbahagi ng ‘hugot’ ng health workers sa gitna ng COVID-19

Imahe mula sa Facebook | Simon Andrew Bunyi at Pixabay
  • Naglabas ng kaniyang saloobin ang isang emergency room doctor sa gitna ng pagtaas ng kas0 ng coronavirus disease sa bansa
  • Ikinalulungk0t niya raw na may mga tumatangging sumailalim sa confirmatory tests kahit pa nagpapakita sila ng sintomas o nanggaling sa hot zones
  • Nagpahayag din siya ng suporta para sa mga kapwa health workers na humaharap sa mga pasyente

Ibinahagi ng isang emergency room doctor ang kaniyang saloobin sa gitna ng pagtaas ng kumpirmadong kas0 ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa. Ito ay mainam din na bigyan ng pansin at pagnilayan.

I-click ang imahe para mabasa ang buong post

Una niyang pinasinungalingan ang mga haka haka na hindi tine-test ang mga Pilipino upang hindi tumaas ang bilang ng kas0 ng COVID-19 sa bansa.

“As an ER doctor, I can attest na we do test all patients who are Persons Under Investigation. We constantly send swabs to DOH and RITM. Also the test is FREE. Kahit private or sa government, it will be processed,” sabi ni Simon Andrew Bunyi sa kaniyang post.

Kuwento ng doktor, ang ikinalulungkot niya ay ang mga overseas Filipino workers na nagpapakita ng sintomas ng COVID at nanggaling sa hot zone areas ngunit tumatangging sumailalim sa confirmatory tests.

“Nagagalit [sila]. Imposible raw na magkaroon sila noon dahil hindi naman daw sila Chinese. ‘Yung iba iiyak, wala raw mag-aalaga ng anak niya na hindi pa niya nakikita ng four years. Kababalik lang niya sa Pilipinas tapos i-iisolate siya. Tapos, mag-a-attempt na tumakas. Literally, tumakbo. Public health concern po ito. I understand your situation but we need to consider everybody’s health,” aniya.

Imahe mula sa Pixabay

Ang ilan naman daw, idadahilan na wala silang perang pampa-test kahit na ipinaliwanag na sa kanila na libre lamang ito.

“Kahit anong matinding explanation ang gawin mo and empathy ang ipahatid mo sa kanya, susubukan ka pa rin nilang takasan… Kung alam ninyo lang po ang hugot naming mga nilalang ng ER during these times. Nakakaiyak din minsan. Parang unfair,” sabi pa ni Bunyi.

Dalangin ng doktor na sana raw ay matapos na ang pagsubok na ito. Sa ngayon, mananatili raw siyang tapat sa kaniyang sinumpaang tungkulin.

“I stand with all the health personnel especially the front liners. The fight is still long, and it will still be rough. Kapit lang. Kahit alam kong hindi naman tayo na-aappreciate, inaaway pa nga tayo e. Ako mismo i want to thank you. For risking your lives every day,” pagtatapos niya.

Nawa’y isipin rin ang kanilang pinagdadaanan sa pagsubok na ito.

Source :

Facebook

Loading…