Fashionista with a cause: Designer gumawa ng mga fashionable face masks; tumutulong din sa kanyang mga kababayan

  • Trending sa social media ang likha ng isang designer na face mask na napakaganda ng mga disenyo
  • Pinabilib niya ang mga netizen dahil sa kanyang magandang disenyo at magandang intensyon sa kapuwa
  • Gumagawa kasi siya ng libreng face mask para sa mga kababayan at ipinagpapalit ang ibang gawa para naman sa in kind donations

Bilin ng mga eksperto na dapat daw ay ugaliing magsuot ng face mask para hindi kumalat ang C0VID-19. Maiiwasan kasi ang pagkalat ng karamdaman dahil nakukuha ito sa laway na maaaring makaapekto sa kapuwa kaya naman malaking tulong ang pagsusuot ng pananggalang sa ating mga mukha.

Pero para sa ilan, lalo na ang mga may alam talaga pagdating sa fashion, ang pagsusuot ng face mask ay minsang nakaaapekto sa pormahan ng isang tao. Batid naman nating mahalaga ang pagsusuot nito lalo na sa mga panahong ito, pero hindi mawawala ang pagkamalikhain ng mga Pilipino at gagawin pa rin ang lahat para maging ‘in’ sa gitna ng umiiral na community quarantine.

Larawan mula sa Facebook post ni Marvin Garcia

Ito ang dahilan kung bakit trending ngayon ang designer na si Marvin Garcia. Marami kasi ang natuwa sa kanyang effort at pagkamalikhain at nakagawa ng mga face mask na talaga namang nakamamangha ang disenyo. Ibinida niya sa kanyang Facebook account ang magaganda niyang disenyo na agad namang pumatok sa netizens.

Isa sa mga unang nag-trending ay ang kanyang beaded face mask na parang gown ang disenyo. May laces ito na gawa sa mga pearl-like beads na animo’y face mask ng isang royalty na napapanood natin sa mga fairy tale. Mayroon din siyang mga face mask na hango sa isang kilalang fashion brand.

Bilang isang konsehal ng kanilang barangay, sinsuot din ni Marvin sa kanilang duty ang mga sariling likhang face mask. Mayroon pa siyang kakaibang face mask design na umiilaw ang ribbon sa ibabang bahagi.

Pero hindi lamang para sa sarili ang ginagawa niyang face mask. Gumagawa siya ng mga normal na face mask para sa ilang kaibigan at nasasakupan, at mayroon ding mga designed face mask na ibinibigay naman niya sa mga nakatatanda at mga bata. Gumawa rin siya ng 2,000 face mask na ipinamigay niya sa mga pres0 sa Bulakan, Bulacan.

Larawan mula sa Facebook post ni Marvin Garcia

Ngayon din ay bukas na sa publiko ang pagkakaroon ng fashionable face mask ni Marvin. Sa lahat dawn g nais na magkaroon ng mga ito, kinakailangan lamang nilang ipagpalit ng anumang in kind donations tulad ng bigas, canned goods, at toiletries na kanilang ipamamahagi sa kanyang mga kabarangay na kailangan ng tulong.

Patuloy namang nagpapasalamat si Marvin sa suportang nakukuha ng kanyang designs. Panawagan din niya sa mga kababayan na sumunod sa ipinatutupad na community quarantine para na rin sa ating kaligtasan.

Loading…