Frontliners din: Netizens, nagbigay ng kanilang pagpupugay sa mga ‘super tanod’ na patuloy ang trabaho ngayong ECQ

  • Binigyang pugay ng ilang netizens ang isa rin sa mga frontliners na barangay tanod
  • Ayon sa kanila, kasabay ng ibang frontliners ay malaki rin ang sakripisyo ng mga ‘super tanod’
  • Nakiisa naman ang ilang social media users na magbigay din ng kanilang pasasalamat sa mga simple pero masisipag na barangay tanod

Patuloy na binibigyan ng pagkilala ng mga netizens at sambayanang Pilipino ang ating mga frontliners o ang mga manggagawa na tuloy ang serbisyo sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa. Ngayon ay mas nabibigyan sila ng pagpapahalaga ng marami at itinuturing na modern-day heroes ng ating bansa.

Isa sa mga maituturing na frontliners ay ang mga barangay tanod. Katuwang sila ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan sa panahon ng ECQ. Kahit maliit ang sahod at walang anumang benepisyo o hazard pay, kasama ng buong bayan ang mga tanod sa pagpuksa sa kinahaharap na suliranin ng mundo ngayon.

Larawan mula sa Facebook post ni Paeng De Guzman

Dahil sa kabayanihan ng mga simpleng manggagawa na ito, isang malaking pagpupugay ang ibinigay ng ilang netizens para sa mga barangay tanod. Sa isang Facebook post ni Christian Kyle CK Roluna, ipinakita niya ang pasasalamat sa mga tanod na malaki na raw ang sakripisyo sa mga panahong ito.

Ayon kay Christian, sa panahon daw ngayon ay huwag nang lok0hin pa ang mga tanod at sumunod na lamang sa mga ipinatutupad ng mga ito. Marami daw sa mga ito ay pag0d at puyat na dahil sa kanilang trabaho sa checkpoints at iba pang proyekto ng lokal na pamahalaan.

Kalakip din ng post na ito ni Christian ang kuhang larawan ng isa pang kaibigan na si Paeng De Guzman kung saan makikita ang isang matandang tanod na tahimik na kumakain ng hapunan sa isang traysikel. Mula raw sa duty ang matandang tanod at sandaling nagpahinga upang makakain.

Gumawa rin si Paeng ng isang tribute video para sa mga frontliners na tinawag niyang ‘super tanod.’ Makikita ang walang patid na pagbabantay ng mga tanod kahit sa ilalim ng tirik na araw, masiguro lang na lahat ay ligtas. Nag-alay din siya ng isang tula para sa mga ito na kalakip sa video na kanyang in-upload.

Larawan mula sa Facebook post ni Paeng De Guzman

Agad namang nag-viral ang post ni Christian. Wala pang isang araw na naka-upload sa social media ay nagtamo na ito ng 43,000 reactions, 1,400 comments, at 104,000 shares. Maraming netizens din ang nagbigay ng kanilang pasasalamat sa mga super tanod ng kani-kanilang mga barangay.

May ilang barangay tanod rin na nagbahagi ng kanilang larawan sa comment section upang sabihin sa lahat na sila ay proud barangay tanod at tutulong hanggang sa abot ng kanilang makakaya sa panahon ng ECQ.

Panoorin ang video na ginawa ni Paeng para sa mga super tanod:

Re-upload po dahil nadelete kopo hindi sinasadya yung unang video pa-support naman po salamat??"Super Tanod"?Thank you Frontliners, Mabuhay Kayo??Sana mahawakan ang inyong mga puso, maantig sa storya at matutong umunawa at magkaroon ng pasensya??Para po sa kaalaman ng lahat yung mga clips po ay kuha lamang mula sa bakod namin at sa bakod ng aming kapitbahay alinsunod po sa patakaran na social distancing at kung magtataka po kayo bakit malapit gumamit po ako ng wide and zoom lens kasabay po ng face mask para po sa aking kaligtasan.Kina – Get you to the moon #LikeAndShare??#Videog-RAFFY

Posted by Paeng De Guzman on Wednesday, March 25, 2020

Loading…