Future surfer kaya? Andi Eigenmann, ibinahagi ang larawan ni Baby Lilo na nag-eenjoy sa tubig

  • Ibinahagi ni Andi Eigenmann ang larawan ni Baby Lilo habang ito ay nag-eenjoy sa isang baby spa
  • Makikita sa larawan kung gaano ka-enjoy ito sa tubig na tila natural na lamang kay Baby Lilo
  • Nagmana kaya si Baby Lilo sa ama nito na isang mahusay na surfer?

Isang nakaaaliw na larawan ni Baby Lilo—anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo—ang ibinahagi ng aktres sa Instagram account nito.

Makikita sa larawan na natural ang pagkakagusto ni Baby Lilo sa tubig na kaniyang minana sa mga magulang nito na parehong surfer.

Imahe mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

“It’s official. We’ve got another natural born water baby! Takes after mom and papa! Couldn’t help but be so proud of her kicking and swimming in her first solo dip in the water,” masayang pagbabahagi ni Andi.

Nasasabik na rin umano si Andi na makasama ang kaniyang buong pamilya pabalik sa dagat upang lumangoy.

“Now I can’t wait for summer on the island where the fam can spend all day in the ocean!” dagdag ng aktres.

Ang larawan ay kuha mula sa isang baby spa na sobrang in-enjoy ng mag-ina.

“She had such a wonderful time today at the baby spa, and I had a blast too, just watching her! It was also so surprisingly relaxing to watch her get a massage even though, I’ve been needing one as well,” paliwanag nito.

Inirerekomenda ni Andi sa mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa isang baby spa dahil iyon ay isang bagong karanasan para sa mga bata.

“Taking your kids to a baby spa is a highly recommended modern baby activity. It really puts them in a good mood afterward, among other perks!” dagdag pa ni Andi.

Isa pa sa nakatutuwa nito ay ang mahimbing na pagkakatulog ni Baby Lilo matapos ang nakaka-relax na bonding ng mag-ina sa baby spa.

Imahe mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

“She just woke up from the best nap ever after this experience and mom is really glad about that,” ayon pa kay Andi.

Maraming netizen ang humanga sa cuteness ni Baby Lilo. Maging mahusay na surfer kaya siya tulad ng kaniyang ama?

Source :

Instagram

Loading…