Gary V, ibinahagi ang napapanahong mensahe ng “Take Me Out of the Dark”

  • Muling pinarinig ni Gary Valenciano ang kaniyang awiting “Take Me Out of the Dark” na ipinaskil nito sa Instagram
  • Bagama’t 1988 pa unang lumabas ang kanta, napapanahon ito ngayon bilang paalala sa mga taong nangangamba sa kasalukuyan nating sitwasyon
  • Naging emosyonal ang pagkanta ni Gary V na nirecord niya sa kaniyang bahay

Sa gitna ng biglaan at hindi mapigilang pangamba ng mga tao sa banta ng malawakang pagkalat ng COVID-19, idinaan ni Gary Valenciano sa pagkanta ng kaniyang awiting “Take Me Out of the Dark” ang mensaheng nais niyang ipaalala sa mga mamamayan.

Imahe mula sa Facebook page ni Gary Valenciano

Sa isang latest Instagram post ni “Mr.Pure Energy” ay ibinahagi nito ang video na kinakanta niya ang “Take Me Out of the Dark” sa recording studio niya sa bahay. Ang awiting ito ay unang lumabas noong 1988.

May mensahe rin si Gary V sa mga tao na gamitin ang sitwasyon natin ngayon upang mapalapit sa Panginoon.

“In the midst of the fear, anxiety, and uncertainty that surrounds us all, perhaps all this can serve as a way of drawing us to Him. This may be a personal crossroad for many who have often relied on science and medicine; both are struggling to find a cure for CoViD19,” ayon kay Gary.

Mapagkumbaba niyang hinihikayat ang mga tao na tahakin ang landas papunta sa Panginoon. Gayunman, nilinaw ni Gary V na hindi ito tungkol sa relihiyon kundi sa isang mas malalim pang dahilan.

Ipinaalala rin ni Gary V na walang permanente sa mundo at maraming bagay ang patuloy na nagbabago. Gayunman, mariin niyang sinabi na hindi kailanman magbabago ang Panginoon.

“But He has remained the same yesterday, today, and will remain the same forever. I pray He gives wisdom to all the scientists and doctors who have been exhausting all efforts to come up with a solution for the threat that’s now invaded most of the world,” dagdag pa ni Gary V.

Nagbahagi rin siya ng ilang Bible verse tulad ng Philippians 4:6-7 (NIV).

Imahe mula sa Pixabay

“Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.”

Ipinaalala rin ni Gary V na walang imposible sa Panginoon.

Source :

Instagram

Loading…